^

Pang Movies

Mga celebrity na natengga, abala sa mga K drama

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, karamihan ng mga celebrity na affected ng stop taping, shooting, at live shows ay abalang-abala sa panonood ng Netflix.

And like you, Ateng Salve, Korean series ang pinanonood nila.

Marami sa kanila kahit natapos na ang Crash Landing On You, inuulit uli na panoorin ang nasabing series.

May mga umaasa nga na sana ay magka-season two ang Crash Landing On You.

Nang i-check ko kahapon, number two sa Netflix sa Philippines ang Crash Landing On You na fave ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid.

Ang number one ngayon ay ang season two ng Kingdom.

Actually, alam mo, Ateng Salve, nag-download din ako ng Kingdom season two para mapanood ‘yon.

Mga pelikulang ‘di maipalabas sa sinehan, ila-live stream na lang?!

Maraming mga pelikula na ang tapos na ang principal photography at nakapag-post production na rin at ready na ipalabas, kaso wala nga munang ipinapalabas na pelikula ngayon.

May mga nagsa-suggest na sana ay ipalabas na lang ang ibang mga pelikulang ito sa mga streaming apps like Netflix, IWant at iba pa.

May mga producer kaya na mag-decide na straight to streaming apps na lang kaya ang mga pelikulang natapos na nila?

Well...

Never Not… ng JaDine nasa Netflix na rin

Karamihan ng pelikula ng Viva Films ay nasa Netflix.

Kahapon, ilang pelikula nila ang nagsimulang ipalabas doon.

Ang Never Not Love You ng JaDine, nagsimulang mag-stream doon kahapon.

For sure, ang mga fan nina James Reid at Nadine Lustre ay tutok na tutok doon ngayon.

Yes, maraming mga fan pa rin ng JaDine ang umaasang mag-a-announce ang dalawa na nagkabalikan na sila.

Kilig na kilig pa rin ang mga fan nina James at Nadine kapag nakikita silang magkasama kahit ang sabi ay good friends na lang ang dalawa.

Well...

Franchise renewal ng ABS-CBN natabunan ng COVID-19

Dahil sa problema sa COVID-19, parang hindi na masyadong napag-uusapan ngayon ang nakabinbin pa ring problema sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

After kaya ng problema sa COVID-19 ay natutukan na ng kongreso ang franchise renewal ng Kapamilya network?

Well...

‘Yun na!

vuukle comment

NETFLIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with