GMA nakatutok sa social distancing!
Pinatupad ng GMA Network ang social distancing sa mga empleyado lalo na ‘yung sasakay sa elevators.
Sa Facebook post ni Lilybeth Rasonable, Vice President for Entertainment, “We even have markets on the floor and someone makes sure the maximum allowable number of passengers per elevator is allowed.”
Kaya naman ayon kina Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB program nila kahapon, hanggang labas na ng building ang haba ng pila sa elevator, huh!
Of course, better be safe than sorry, huh!
Pokwang nagpakain sa frontliners, mga sundalo at mga pulis!
Naghanda ng tuna sandwiches si Pokwang kahapon para ipamigay sa mga pulis at sundalong namamahala sa checkpoints.
Wala rin kasing masyadong trabaho ang komedyante dahil tigil muna ang shooting ng Regal movie niyang Mommy Issues kaya ang magpakain sa mga frontliner ang ginagawa niya.
Pagkatapos ng mga pulis at sundalo, paghahandaan naman ni Pookie ang pagdala ng pagkain sa mga doctor at nurse.
Sana all ng celebs ay gumaya sa ginagawang pagtulong ni Pokwang, huh!
- Latest