^

Pang Movies

Mga artista biglang naging bait-baitan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsilbing eye opener sa mga taga showbiz ang pagdating ng COVID-19 na animoy isang sumpa. Ipinaramdam nito ang kahalagahan ng mga tagahanga na nagbibigay biyaya sa mga taga pelikula. ipinakita nito ang epekto kapag nawala ang kanilang fans na number one na sumusoporta sa showbiz.

Dahil baka magkakahawa-hawa ang mga tao, ibinawal na muna ang live audience sa studio para manood. Kitang-kita mo kung gaano kahirap mag-show ang hosts ng ilang programa sa mga istasyon kapag walang nanonood sa kanila.

Dati nagmamalaki ang mga mayayabang na artista, kapag may gustong magpa-selfie o magpa-sign ng autograph sa kanila ay dedma lang sila. Pero ngayon ay parang ang bait-bait nila kapag nagbibigay ng paalala na social distancing dahil ayaw nilang maakusahan ng suplada o snob.

Samantala, ang tamlay panoorin ang Eat Bulaga, It’s Showtime at maging ng Wowowin.

Kailan kaya mapupuksa at makikitil ang virus na ito na animoy biological weapon galing China.

Tradisyon sa Bulacan, kanselado na rin

Malungkot ang ilang mga kababayan natin sa Baliwag, Bulacan dahil hindi masagot ng Hermano Mayor na si Jorge Allan Tengco kung totoo bang maging ang longest procession of saints kapag holy week ay hindi na rin pahihintulutan.

Napag-usapang ipuprusisyon na lang ang mga santo at santa.

20 years na kasing tradisyon ito tuwing ang holy week kung saan makikita ang 120 na karo ng mga poon.

Pagkakaroon ng baby nina Mikael at Megan, inaabangan na

Masaya si Mikael Daez dahil nabigyan siya ng role sa heavy dramang serye Na Love Of My Life kung saan ang mga katrabaho niya ay sina Coney Reyes, Rhian Ramos, Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Siya ang gumaganap na pasaway na anak ni Coney at kapatid ni Tom. Dati ay puro pa-cute lang ang mga ginagawa niya pero ngayon ay matured role na.

Masaya sila ng asawa niyang si Megan Young, para pa rin silang high school kung magkulitan. Ang inaabangan naman ng marami ngayon ay kung kailan sila magkaka-baby.

Lorna kinaaliwan sa TikTok

Patok na patok si Lorna Tolentino sa kanyang pagti-TikTok, nakakawala ng galit sa mga pinaggagawa niya kay Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nakatipid daw si LT sa seryeng ito dahil iisang damit lang ang palagi niyang ginagamit sa eksena, puro kulay pula.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to March born stars:

Vice Gov. Jolo Revilla, Boji Molina, John Lesaca, Marilou Bendigo, Sarah Balabagan, Rodel Lugo, Melba Roa, Julia Barreto, Kz Tandingan at Art Atayde.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with