^

Pang Movies

No-work no-pay sa showbiz, isang buwang nganga!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Ipinahinto na ng ABS-CBN ang pagti-taping ng kanilang mga ongoing TV programs maging ang pagka-can ng kanilang upcoming shows dahil sa threat ng COVID-19. Maging ang Viva ay ipinahinto na rin ang kanilang shooting at tapings ng kanilang movies at programa bilang pangangalaga rin sa kanilang mga artista, production people, crew at lahat ng involved dahil sa bata ng coronavirus.

Malamang na magsunuran na rin ang ibang TV network tulad ng GMA-7 at iba pang producers.

Ang karamihan sa mga involved sa shootings at tapings ay per taping or shooting ang sahod. Para rin silang no-work no-pay. Kung isang buwan aabutin ang community quarantine, paano nila bubuhayin ang kanilang mga pamilya?

Mahalaga ang buhay. Pero paano pa mabubuhay ang mga tao kung kumakalam na ang kanilang mga sikmura?

Kung matutuloy ang pasasara ng malls sa Metro Manila, tiyak na maraming mga trabahante o empleyado ang mawawalan ng trabaho. Pati mga sinehan ay hindi na rin pinapasok ng mga manonood.

Marami ang tao sa mga palengke, grocery at drugstore pero sa malls, restaurants, sinehan ay iniiwasang puntahan muna ng mga tao. Maging ang biyahe sa local at international destinations ay bagsak din.

Summer Olympics sa Japan, posible ring makansela

Dapat sana’y sa March 25 na ang worldwide release ng live-action movie na Mulan pero dahil sa banta ng COVID-19, pansamantala itong mauurong to a later date.

Inaabangan ngayon ng buong mundo kung pati ang nalalapit na Summer Olympics sa Tokyo, Japan ay makakansela rin. Ito’y nakatakdang ganapin sa darating na July 24 up to August 9, 2020. Pero sinabi ni Japan Prime Minister Shinzo Abe na tuloy ang Olympics sa kabila ng banta ng coronavirus.

vuukle comment

ABS-CBN

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with