^

Pang Movies

Taggutom ang peg mga artista at singer, walang magawa sa virus

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tigil ang local production ng ABS-CBN hindi lang ng kanilang television shows kung hindi maging ang kanilang pelikula. Tigil din ang produksiyon ng GMA-7 ng kanilang TV shows at replay lamang ang kanilang inilalabas.

Ang dalawang malaking kumpanya ng pelikula, ang Viva at Regal ay kapwa nagsabing tigil din muna sila. Ano nga naman ang gagawin mo? Sarado ang mga sinehan at sino nga ba ang makapagsasabi kung hanggang kailan nga tatagal iyang emergency situation na iyan. Kahit na sinasabing isang buwan lang iyan, hindi ka nakakasigurong ganoon nga. Papaano kung tumagal iyan?

Ang television naman, natural lang na magbawas ng trabaho at gastos dahil tiyak na bagsak din ang kanilang advertising revenue. Sino nga ba ang mag-a-advertise kung sarado naman ang malls at iba pang tindahan dahil wala namang bibili.

Ayaw ngang palabasin ang mga tao sa bahay nila. Kalokohan lang na mag-advertise ka sa panahong wala namang bibili sa iyo.

Aminin na natin, iyan ang prime consideration kung bakit tumigil pansamantala ang mga kumpanya ng pelikula at telebisyon.

Iyong ABS-CBN ay nagsabing bibigyan nila ng compensation ang mga artista nila at production crew habang walang trabaho. Walang sinabi ang GMA-7. Wala rin naman sigurong maaasahan sa Viva at Regal dahil lahat ng gumagawa ng pelikula ay per-project ang kontrata ng mga iyan.

Sa palagay namin, diyan dapat pumasok ang sinasabi ni Arnell Ignacio na suporta ng Department of Labor sa mga biglaang nawalan ng trabaho na parang subsidy sa loob ng isang buwan. Malaking tulong iyan para sa mga manggagawa ng pelikula.

Ang mga artista na kawawa, ang singers. Wala silang concerts. Wala silang kita. Barya lang naman ang nakukuha nila sa download ng kanilang mga kanta. Malaki ang epekto sa showbusiness ng COVID-19 lockdown, pero ano nga ba ang magagawa natin eh virus na ang kalaban mo.

Hermes face mask ni Heart, naging ‘hot item’

Maraming nakatawag ng pansin sa face mask ni Heart Evangelista na sinasabi nilang gawa ng Hermes. Iyon pala ginawa lamang ni Heart, at tsismis lang iyong Hermes na yun. Actually nakakagulat pero hindi maganda ang sinasabing ang face mask niya ay Hermes.

Alam ng mga tao kung gaano ang halaga noon, at ang masakit ang asawa ni Heart ay isang public official.

Male star walang takot sa virus, sinasamantala ang quarantine

Sa kabila ng warning na umiwas muna sa mga matataong lugar, lalong naka-istambay ang male star sa istambayan ng maraming tao. Sinasabi raw noon, mas lalo nga siyang dapat na umistambay doon dahil wala siyang kikitain sa pelikula o sa telebisyon. Wala rin ang kanyang mga out of town rakets. Papaano nga naman ang buhay niya.

Pero dapat niyang isipin na sa kumakalat na virus ngayon, mas delikado ang “sideline” niya. Nakakasiguro ba siya na ang makaka-date niya ay hindi carrier ng virus? Tandaan ninyo, maaaring carrier na rin ng virus ang isang tao kahit na hindi pa lumalabas ang alin man sa mga symptoms. Maaaring hindi inuubo o nilalagnat, pero may tama na.

Dapat tigilian na nila iyang kanilang mga “sidelines” na wala sa ayos.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with