^

Pang Movies

Richard at Sarah sa mayor’s office na lang nagpakasal!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Sarah sa mayor�s office na lang nagpakasal!

Alam mo, Ateng Salve, sobrang saya ko for Mr. and Mrs. Richard Gutierrez!

Hindi man natuloy ang big wedding nina Richard at Sarah, nagkaroon naman sila ng civil wedding na ginanap sa office ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa SM Aura Tower sa Bonifacio Global City sa date na gusto talaga nila, March 14, 2020!

Si Judge Bernard P. Bernal ang nagkasal sa dalawa at hindi na nakapunta pa si Mayor Lino dahil may mga kailangan itong asika­suhin na kaugnay ng lumalalang problema sa COVID-19.

After ikasal ni Judge Bernard sina Richard at Sarah, blinessed naman sila ni Pastor John Ong.

Pasensya na, Ateng Salve, pero talagang top secret ang tungkol doon, paalala ni Annabelle Rama, kaya hindi ko puwedeng isulat kaagad habang hindi pa nag-a-announce sina Richard at Sarah.

Pamilya lang kasi at hindi pa nga complete dahil parents lang ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Tita Annabelle, parents ni Sarah, sina Abdel at Esther Lahbati, sina Ruffa, Lorin, Raymond sa part ng groom at tatlong kapatid at isang nephew naman sa part ng bride.

May ilang nandoon lang sa wedding team nina Mr. and Mrs. Gutierrez at kahit nga ang dalawang anak nila, sina Zion at Kai ay hindi na nagpunta doon.

Sa reception naman na ginawa sa Samba restaurant ng The Shangri-La The Fort sa BGC, iilan din lang kami dahil sabi nga ni Tita Annabelle, bawal ang mass receptions, kaya marami talaga siyang hindi na nasabihan.

‘Yung una nga pala nilang plano na pumunta ng Boracay island after ng wedding nila ay hindi na rin naman nila itinuloy dahil one month bawal ang domestic flights.

Anyway, congratulations to the newly wed!

Naku, Ateng Salve, baka mainggit ka at magpakasal ka na rin, huh!

Hahaha! (Congrats Richard and Sarah. - Salve A.)

Mga taga-showbiz na wais at hindi palagastos, safe sa lockdown

Maraming mga taga-showbiz ang “umaaray” ngayon dahil isang buwang walang trabaho.

Marami naman ‘yung mga wais na hindi affected dahil talagang matipid sila at hindi palagastos!

‘Yung mga ipon nang ipon, nakakapag-rest ng mabuti ngayon. Hindi nagwo-worrys sa bills nila dahil may naitabi sila na maipanggagastos.

Ang iba naman na sobrang makagastos and medyo worried sa kanilang bills.

Well, we just pray na matapos na ang problemang ito sa COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat para lahat ay maging masaya uli!

Keep safe everyone!

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with