^

Pang Movies

Iya todo exercise pa rin kahit preggy sa third baby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iya todo exercise pa rin kahit preggy sa third baby

Hindi pa rin maintindihan ng ibang netizens kung bakit tuwing preggy si Iya Villania nagpo-post siya sa social media ng exercises file?

Sagot ni Iya: “Because it’s a difficult journey I want to keep track of:) to inspire and inform other buntis mamas:) okay lang po ba?”

May nagpaalala sa nagtanong na normal na kay Iya ang mag-exercise kahit buntis siya. Gusto lang daw nito ipaalam sa ibang buntis na healthy ang mag-exercise, lalo na sa mga buntis na hindi nagwu-workout.

Buntis si Iya sa third baby nila ng asawang si Drew Arellano. Parehong lalaki ang nauna nilang dalawang anak at ang nakakatuwa, ang fans ng dalawa ang nagwi-wish na sana, baby girl ang ipinagbubuntis ni Iya. Gusto raw nilang makakita na baby girl naman ang inaalagaan ng mag-asawa.

Samantala, patuloy pang nagre-report sa Chika Minute ng 24 Oras si Iya at saka lang magle-leave kapag malapit na siyang manganak.

Julia tumanggap agad ng bag kay Dra. Belo

Mababasa sa Instagram ni Dra. Vicki Belo ang tinawag niyang Belo Clinic Advisory na may kinaalaman sa COVID-19.

“As a precautionary measure, starting March 14, 2020, until March 22, 2020, all Metro Manila clinics and Head Office operations will be suspended. We will use this time to complete the sanitation and disinfecting of our clinics. Our cli­nics in Ayala Center Cebu and Abreeza Mall Davao shall remain open.”

Pinuri si Dra. Vicki dahil mas inuna raw nito ang safety ng kanyang staff during this time. Sa nagtanong kung bakit one week lang sila magsasara, isang Belo employee ang sumagot ng, “the management will continuously monitor the situation and will decide on what to do next before this period ends.”

Anyway, si Julia Barretto ang latest Belo endorser at ang Belo Glass Skin Facial treatment ang kanyang ini-endorse. Niregaluhan ni Drs. Vicki si Julia ng LV Bag bilang welcome gift sa kanya. May nagtanong kung lahat ba ng kinukuhang endorser ni Dra. Vicki ay nireregaluhan niya ng branded bag?

GGV ni Vice babalik muna!

May advisory ang ABS-CBN tungkol sa pilot ng bagong show ni Vice Ganda na Everybody Sing!

Kasunod nito, ang announcement in Tagalog na “Kaugnay nito, pansamantala munang magpapatuloy ang Gandang Gabi Vice sa paghahatid ng saya sa ating mga Kapamilya simula ngayong Linggo nang gabi.”

vuukle comment

IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with