^

Pang Movies

Nathalie may chance maka-bonding ng matagal ang anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Nathalie may chance maka-bonding ng matagal ang anak

Noong kababalik pa lang ni Nathalie Hart mula sa Japan kung saan ay nag-shooting sila ng Steal movie ng Viva Films ay naka-chat ko siya.

Tinanong ko ang sexy actress (o, ayan, actress at hindi star) kung nag-self quarantine siya.

Hindi raw, pero hindi naman talaga siya lumalabas ng bahay.

Ngayong week pa lang daw siya may work.

Pero dahil nag-announce na nga na wala munang tapings, live entertainment shows, pati shootings, wala na munang work for Nathalie.

Pero mukhang okay lang naman ‘yon sa kanya dahil gusto rin niyang ma-enjoy ang bonding nila ng anak na si Penelope.

Noong nasa Japan si Nathalie, basta may pagkakataon ay nagbi-video call sila ng super cute niyang anak.

Eat Bulaga magre-replay na rin

Tinanong ko ang isang taga-Eat Bulaga kung katulad ba ng ibang shows ay magre-replay na lang muna sila starting tomorrow dahil sa lumalalang problema sa COVID-19?

Ang sagot ng kausap ko, yes daw.

Pero wala pa raw silang official announcement tungkol doon. “Maglalabas pa lang,” sey ng kausap ko.

Eh, magaganda naman ang nagdaang live  episodes ng Eat Bulaga, lalo na ang Bawal Judgmental segment nila, kaya for sure kapag nag-replay sila starting tomorrow ay mae-enjoy ‘yon ng loyal viewers nila.

Ruffa naabutan ng virus sa paglabas sa Love Thy…

Na-sad si Ruffa Gutierrez nang i-text siya ng mga taga-Love Thy Woman na stop taping muna sila.

Kalalabas lang kasi noong Friday ng character niyang si Amanda del Mundo sa afternoon series ng ABS-CBN.

Pero for the good of everyone naman ‘yon.

Anyway, may one week pa namang mapapanood si Ruffa sa Love Thy Woman bago titigil ang kanilang airing.

‘Be safe everyone’

Dasal ang hiling ng lahat para matigil na ang problema sa CO­VID-19.

Marami na ang hindi a-attend ng mass, pero marami naman ang thankful na maraming websites ang nagpapalabas ng misa kahit hindi Sunday.

Ateng Salve, sana nga ay ipagdasal nating lahat na ma-contain na ang COVID-19.

Be safe everyone!

‘Yun na! (Yes, be safe and healthy guys. pray tayo for each other. - Salve)

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with