^

Pang Movies

Mga kabuhayan bagsak dahil sa epidemya!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagagalit at natatakot ang mga Pinoy ngayon dahil sa paglaganap ng COVID-19 o coronavirus. Perwisyo raw ito sa kabuhayan ng nakararami.

Imagine, mahihirap na nga ang mga taong nakatira sa Pilipinas, kinailangan pa nilang magsara ng ilang tindahan at magsiuwi galing sa kanilang mga pinagtatrabahuhan para maiwasan ang virus, yun nga lang wala naman silang sahod at pagkakakitaan.

Bagsak ang lahat ng negosyo ngayon, at tanging alcohol at face mask lang ang mabenta, na sa malas ay hino-hoard pa ng mga mapagsamantala at saka papatungan ng mas malaking presyo.

Nag-umpisa na rin ang mga programa sa GMA-7 at ABS-CBN ng walang live audience. Ang mga host na lang ang nagkakaitaan sa loob ng studio.

Papaano naman kaya yung mga pumipila sa Wowowin na naghahangad na makakuha ng jackpot kay Willie Revillame, yung mga estud­yanteng naglalaro ng Hephep Hooray at umaasang mabibigyan sila ng jacket at datung?

Okay na rin iyon, pero malungkot at nakakapanibago ‘yun para sa mga Pinoy.

Ian at Ogie naudlot din

Hindi rin nakaligtas sina Ian Veneracion at Ogie Alcasid sa mga naabala ng virus, dahil pati ang concert nilang KilaboTitos ay postponed din.

Sayang dahil ito yata ang una nilang pagsasama, postponed pa.

Baka sa susunod na mga buwan ay maging maayos na ang lahat, kaya abangan na lang natin silang dalawa.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to March born celebrants:

Tj Manotoc, Lito Manago, Nora Marco, Morly Alino, Darius Razon, Dawn Zulueta at Camille de Guzman.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with