^

Pang Movies

Kasalang Richard at Sarah bukas, postponed!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kasalang Richard at Sarah bukas, postponed!

Noong contract signing niya bilang newest talent ng LVD Management, Inc. ni Leo Dominguez, medyo sad si Diego Gutierrez nang mapag-usapan namin ang kasal sana bukas nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati (nag-announce na ang mag-fiancé na kailangan nilang i-postpone ‘yon dahil sa lumalalang problema sa COVID-19).

Half-brother ni Ramon Christopher na tatay ni Diego si Richard.

“Tito Jun, hindi po ako makakap-attend ng wedding ni Uncle Richard on Saturday,” may lungkot sa mga maya na sinabi sa akin ni Diego.

Kagabi kasi sana ang flight ni Diego pa-Amerika.

Pero kahapon nang kausap ko si Monching (paboritong tawag sa tatay ni Diego), sinabi niyang gusto niyang i-move for next week ang flight ni Diego.

After ilang minutes lang, sinabi ni Monching sa akin na tatawagan niya si Annabelle Rama.

“I will tell Tita Annabelle na makaka-attend na si Diego,” sabi ni Monching.

Importante nga naman ang kasal nina Richard at Sarah para sa kanilang pamilya, kaya kesehodang mahal ang rebooking fee, sige na lang, para maka-attend sana si Diego sa kasal bukas.

So, sana ay complete ang mga anak ni Monching sa wedding, sina Janine, Jessica, Diego at Maxine, pero hindi na nga tuloy ang kasalang Richard-Sarah bukas.

Inusisa ko si Monching after na mag-announce nina Richard at Sarah ng postponement ng wedding kung patutuluyin na ba niya kagabi si Diego sa Amerika, pero hindi na raw muna.

“Baka kasi mahirapang makabalik, better na hindi muna siya tumuloy,” sey ni Monching nang makausap ko ng bandang 6:00PM kahapon.

Samantala, pagkatapos ng contract signing ni Diego noong Tuesday, may inquiries na kaagad sa manager niyang si Leo.

Marami nga ang excited sa pagpasok na rin sa showbiz ng nag-iisang lalaking anak nina Monching at Lotlot de Leon.

Ang bongga!

Kasal ng isa pang anak ni Gloria sa Italy, iniurong na sa October

Dahil sa COVID-19 outbreak sa Italy, isang malapit kay Gloria Diaz ang nagkuwento sa akin na hindi na muna matutuloy ang wedding doon on May 5 ng anak niyang si Ava Daza.

Actually, ikinasal na si Ava kay Luch Zanirato noong January.

Civil wedding muna ‘yon at si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos ang nagkasal sa dalawa.

Sa Puglia, Italy nga sana ang bonggang wedding nila na a-attend-an ng pamilya ng dalawa, plus ilang mga kaibigan.

Si Raymond Gutierrez na malapit kay Ava at kay Isabelle Daza, a-attend din sana doon. Noon pa siya nakabili ng airline tickets at sabay silang nag-book ni Georgina Wilson.

Nang tanungin ko si Raymond tungkol doon, sinabing nag-inquire na raw siya sa airline company tungkol sa rebooking o refund.

Anyway, sabi ng malapit kay Gloria, malamang daw sa October na lang ang kasal nina Ava at Luch sa Italy. “Sana ok na ang lahat by then at tapos na itong COVID-19,” pahayag nito.

Sana nga ay maayos na ang lahat. Patuloy tayong manalangin na ma-contain na ang nasabing virus!

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with