^

Pang Movies

Ibang Kapamilya stars nagpaparamdam sa Kapuso

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtataka lang kami kung bakit idinadamay ng iba ang GMA-7 sa problema ng ABS-CBN tungkol sa prangkisa nila. Kesyo umeere raw ang GMA noon na walang prangkisa. Wala naman kaming natatandaan na ganung pangyayari at ang alam namin ay bago pa man mag-expire noon ang prangkisa nila ay nakakuha na ng approval ang Kapuso Network ng bagong prangkisa.

Hindi pa rin talaga nawawala ang fake news gaya ng mga ipinapakalat ngayon ng iba.

Samantala, hindi pa man nag-e-expire ang prangkisa ng Kapamilya Network, napansin na namin na may mga nag-ober da bakod na sa GMA, at may iba pang nagpaparamdam din. Kung mangyari man ang takot ng iba na sa tingin ko ay hindi naman mangyayari, saan na magtatrabaho ang iba? Na ang alam lang gawin ay may kinalaman sa TV productions?

Bashers ni Alden ayaw tumigil kahit kuwaresma na

Very active ang Alden supporters base sa tweets nila na nababasa namin. Paano ba namang hindi sila mag-iingay, eh grabe ang ibinibigay na pagmamahal sa kanila ni Alden Richards dahil na rin sa kanilang suporta sa actor.

Kamakailan ay nagkaroon ng munting get-together ang kanyang fans at siyempre, hindi ito pinalampas ni Alden. Tuwang-tuwa naman ang mga ito at todo ang pasasalamat.

Samantala, siyempre kung may fans, meron ding bashers. At hindi sila papatalo sa mga tagahanga ni Alden dahil ayaw nilang tigilan ang actor sa mga paninira. Inggit lang kasi ang mga ito kaya halos araw-araw kung magbabad sila sa social media para lang magpakalat ng kung anu-anong negative.

Naku magbago na kayo dahil Kuwaresma na at alagaan na lang ang mga sarili ninyo para makaiwas sa Virus.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with