^

Pang Movies

Sarah tinatago ang wedding gown kay Annabelle!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah tinatago ang wedding gown kay Annabelle!

Sa Saturday na ang wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, pero as I write this, hindi pa rin nakikita ni Annabelle Rama ang wedding gown ng kanyang magiging manugang.

Noon pang November last year nakuha ni Sarah ang kanyang wedding gown sa Paris, France, pero hindi pa raw ‘yon nakikita ni Bisaya. “Baka sa mismong wedding ko na makita,” sabi ni Bisaya.

Sa Paris ipinagawa ni Sarah ang kanyang wedding gown nang magpunta sila doon ni Richard (with Raymond Gutierrez) noong summer pagkagaling nila sa isang event sa Turkey.

Si Richard, sa Paris din binili ang suit niya sa wedding.

Noong nasa Be­verly Hills, California kami, naikuwento na ni Raymond sa akin ang brand ng suit ni Richard, pero huwag ko raw isulat kung ano ‘yon.

Basta, bagay na bagay raw sa kanyang twin-brother ang suit na nabili nito sa Paris, according to Raymond.

Jeron hindi nahihiyang mag-TikTok

Nagti-TikTok na rin si Jeron Teng.

“Bago pa lang, Tito Jun,” sey ng Alaska team player ng PBA (Philippine Basketball Association).

May pinost si Jeron na nagsasayaw siya.

‘Kaaliw magsayaw si Jeron.

Hindi kasi shy ang basketbolista.

Actually, ang kuya niyang si Jeric ang mahiyain.

Si Jeron, kapag pinasayaw, sasayaw kaagad. Game rin siya sa pagkanta!

Ang bongga!

Dahil sa kapraningan! Aktres nagsugat na ang mga kamay sa kaka-alcohol

Naaliw ako sa kuwento na nagsugat ang kamay ng isang premyadong aktres dahil sa kaka-alcohol.

Ang isang malaking bote raw ng alcohol, i­lang oras lang ay ubos na sa premyadong aktres dahil napapraning siya sa COVID-19.

Dahil din sa COVID-19, hindi siya masyadong lumabas ng hotel room niya nang mag-abroad kamakailan.

Actually, marami talaga ang napapraning dahil sa COVID-19.

May mga celebrity na kapag walang importanteng lakad ay hindi na lumalabas ng bahay.

May mga celebrity rin na hindi na tumatanggap ng mga raket dahil takot sa maraming mga tao at baka mabiktima rin ni COVID-19.

Ay, sana nga ay matapos na ang problemang ito sa COVID-19 ng halos buong mundo.

Nakakaloka na!

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with