^

Pang Movies

‘Just be healthy, huwag mag-panic...’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nauna na ang move ng Eat Bulaga para hindi kumalat ang coronavirus. Dahil live program ang Eat Bulaga at ang daming audience, na sabi nga ay iwasan ngayon ang grupo ng maraming tao, minarapat nila na wala munang manonood ng live habang nandito pa ang panganib ng COVID-19.

Magiging mahirap tiyak para sa mga host na sina Vic at Joey, pati sina Maine at Pauleen ang walang audience habang nagsu-show, pero kailangan ang sakripisyo dahil nga nasa bansa na ang virus.

Hay naku, grabe yang pagiging killjoy ng coronavirus. Imagine mo pati live show affected niya, malaking concerts napaurong niya, takot kang manood ng sine at mag-malling.

Ngayon nga, konting ubo, medyo nerbiyos ka na.

Naku sana naman hindi magustuhan ng coronavirus ang Pilipinas at umalis agad, para mabalik tayo sa normal.

Just be healthy, huwag mag-panic, marami ng dumaan, SARS, kung anu-ano pa, nalagpasan natin, coronavirus pa? 

Mga estudyante dapat munang mag-home study

Wow na wow ang gusto ni Mayor Toby Tiangco na tapusin na ang school ng maaga dahil sa coronavirus scare. Kawawa naman ang mga bata kung araw-araw pa silang papasok sa school sa gitna ng panganib ng coronavirus.

Ang galing ng naisip ni Papa Toby na sana sumunod din ang ibang mayors lalo na ng mga public school na sobra sa dami ang mga bata.

Siyempre sina mayor Joy Belmonte at Abby Binay na mga mother ay maingat at medyo pinag-iisipan ang mga desisyon. Pero sure ako tulad ni Papa Toby gusto din nina Mayor Joy at Abby na maging ligtas ang mga bata sa kanilang siyudad.

Naku, huwag na muna silang pumasok sa school, self study na lang muna sa bahay, huwag palabasin at i-detain ng mga mommy ang mga anak para hindi makakuha ng virus sa labas. Dapat lang Salve para sure na ligtas si Aries ‘di ba!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with