^

Pang Movies

Vice papalit pa rin sa natigbak na GGV!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa finale episode last Sunday ng Gandang Gabi Vice ay inanunsyo niya ang kapalit na bagong show na siya pa rin ang magho-host. Kasabay nito ang pasasalamat sa mga manonood na nine years siyang sinamahan sa show.

“Maraming-maraming salamat po sa inyo. Ang laking achievement na magkaroon ng programang ganito na Gandang Gabi Vice na ako ‘yung host.

“It was just a dream. Nine years ago I was given a chance to host my own show, ‘Gandang Gabi Vice’ and we were promised to air the show only for one season, for ilang weeks lang ‘yun.

“And then, nung last day ng first season, nagulat kami na sinabing extended daw ng another season. Hanggang sa nagulat tayo, nine years na ang Gandang Gabi Vice. Hindi lahat, humahaba nang ganun, hindi ba?

“Pero huwag po kayo mag-alala, hindi n’yo mami-miss, kasi same day, same time, mapapanood n’yo pa rin ako, ibang title lang, ibang trip lang, pero sobrang saya promise, dito sa Everybody Sing!” pahayag ni Vice.

Nag-apologize rin ang comedian/TV host sa lahat ng mga na-offend niya sa show.

“I am not perfect, the show is not perfect. Sigurado ako, may mga pagkakataon na na-o-offend namin kayo, ang mga nakasa­nayan ninyo o ang mga paniniwala niyo sa buhay, o ang mga trip ninyo o hindi n’yo trip ‘yung ginagawa namin, we apologize. Wala po kaming intensyon na masama pero maraming salamat pa rin, this is a very big blessing. Mabuhay tayong lahat,” sey ni Vice.

For the finale episode ay si Raffy Tulfo ang guest na matagal na palang kaibigan ni Vice. Bihira mong mapapayag ang naturang batikang broadcaster na mag-guest sa mga shows kaya naman masasabing hanggang sa huling sandali, eh ginalingan pa rin ng GGV.

Heart ayaw na munang magbiyahe!

No fashion week muna abroad si Heart Evangelista dahil ayon sa kanyang tweet kahapon, kinansela raw niya ang lahat ng kanyang mga tra­vels para sa nasabing event. “For those of you asking or concerned, I’ve decided last January to cancel all of my fashion week trips for safety reasons . That’s why I was absent during fashion week. I pray for everyone’s safety. God bless us all.”

Hindi sinabi ni Heart kung may kinalaman sa CoVid-19 ang desisyon ng aktres since last January pa siya nagkansela ng trips pero turned out na wise decision ito dahil nga sa ngayon ay malala na ang spread ng virus sa iba’t ibang bansa at isa rin sa apektado ang Paris.

Ang huling fashion week na dinaluhan ni Heart ay ang Paris Fashion Week noong Enero kung saan ay dumalo siya sa Chanel fashion show.

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with