^

Pang Movies

Staff ng TV series mino-modus ang mga ekstra sa tv at pelikula!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinagkakakitaan ng isang staff ng TV series ang mga kinukuhang bit players at extras.

Eh hindi na nga kalakihan ang bayad sa bit players/extras, kinakaltasan pa ito, huh!

‘Yan ganyang sitwasyon ang dapat na sinisiyasat ng mga network kaya kung ipagtanggol man sila ni Robin Padilla eh dahil nagagawa nilang magsumbong sa kanya.

Naku, matagal nang modus ‘yan sa showbiz na ang ka­yang biktimahin ay ang maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon, huh!

Anak nina Ellen at John Lloyd nagkalat sa social media!

Maganda rin ang lahi nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna dahil ang baby nilang si Elias sa murang edad eh gwapings na gwapings ang hitsura.

Naglabasan sa social media ang cute fotos ni Baby Elias na magkahiwalay na karga nina Lloydie at Ellen.

Pang-artista nga ang halos komento ng netizens sa picture ng isang taong bata.

Malabo na nga lang itong masundan dahil hiwalay na sina John Lloyd at Ellen.

Samantala, nagbalik-pelikula si JLC habang si Ellen ay endorsements ang pinagkakaabalahan..

Heart may approval ni Chiz ang topless photo 

May permiso ni Gov.  Chiz Escudero ang topless na photo ng asawang si Heart Evangelista na halos litaw na ang dibdib.

Gulantang ang social media sa photo na ‘yon ni Heart na mas kilala sa pagiging fashionista, huh!

Sinagot ni Heart ang tanong ng netizen kung aprubado ng asawa ang posting niyang ‘yon.

Tugon ng TV host-actress-fashionista, “He told me to post it. He said I should be proud.

Eh pati ang vlogger-influencer na si Mimiyuuuhh, nagpakawala ng komentong biro sa photo ni Heart. “SIR CHIZ YUNG ASAWA NIYO NAGKAKALAT DITO PO!!!!! Khnz!!! SEXY MO PO MS. HEART!!! AYOKO NA!!!”

vuukle comment

TV SERIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with