^

Pang Movies

Sarah hindi matapus-tapos ang bachelorette party

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah hindi matapus-tapos ang bachelorette party
Sarah

Personal palang tsine-check nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang list ng mga invited sa wedding nila on March 14, 4:00PM.

Ayaw kasi nilang may mga makalimutan.

Si Richard nga, ilang aktor na nakatrabaho niya noon ang ipinadagdag niya sa listahan ng mga imbitado.

Si Richard din mismo ang nag-message sa mga ‘yon para alamin kung makakapunta sa wedding nila ni Sarah para mapadalhan ng invitation.

Mas maganda rin naman na mismong sina Richard at Sarah ang personal na nagte-text sa mga imbitado nila sa kanilang kasal dahil mas mabilis na nagre-reply sa kanila at nalalaman nila agad kung puwede o hindi maka-attend ang mga ito sa kanilang kasal.

Kahapon nga pala umalis ang grupo ni Sarah papunta sa isang beach resort somewhere in the south para sa beach bachelorette ng soon-to-be wife ni Richard.

Si Ruffa Gutierrez na isa sa mga nag-organize no’n ay muntik ma-late sa pagtse-check-in at siya pa ang huling nag-check-in.

Sabi ko kay Ruffa, nothing new naman, palagi naman siyang late at mabuti nga na hindi siya nasaraduhan ng check-in counter, huh!

Ilang flights in the past niya ang hindi inabutan ni Ruffa.

May mga pagkakataon nga noon na kapag nagtatanong si Ruffa ng oras ng flight niya ay ina-advance ‘yon ng nanay niyang si Annabelle Rama para huwag ma-late ang aktres.

Eh, kaso ngayon, si Ruffa na mismo ang nagbo-book ng flights niya, kaya alam na niya ang flight time niya.

Hehehe!

Lovi boto kay Young JV 

Pabor si Lovi Poe sa relasyon ng younger sister niyang si Yeliee Moran sa singer/actor na si Young JV.

Noong interview ni Lovi last weekend para sa Hindi Tayo Pwede movie niya under Viva Films ay natanong ko ang sexy actress/singer kung boto siya kay Young JV.

Mabait daw si Young JV at ok daw ang relasyon ng kapatid niya dito.

Biniro ko si Lovi na pareho silang in love ni Yeliee.

Kung may Young JV ang kapatid, may Montgomery Blencowe naman si Lovi.

Samantala, mamayang gabi na ang premiere night ng Hindi Tayo Pwede kung saan leading men ni Lovi sina Tony Labrusca at Marco Gumabao sa SM Meganall.

Bukas na ang showing nila.

Regal nakapasok sa MMFF

Pasok ang The Missing horror movie ng Regal Entertainment sa first ever Summer Metro Manila Film Festival.

Sina Joseph Marco at Ritz Azul ang mga bida sa The Missing.

Nakakatuwa na kahit hindi pumasok sa Metro Manila Film Festival 2019 ang The Heiress movie na prodyus ni Mother Lily Monteverde ay sumali pa rin siya sa Summer MMFF.

Bongga!

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with