^

Pang Movies

Mag-inang Lorna at Renz, biglang nagkaroon ng tapatan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mag-inang Lorna at Renz, biglang nagkaroon ng tapatan!
Lorna

Ngayong mas napaaga ang time slot ng Descendants of the Sun, napansin ng netizens na magkasabay pala ang timeslot ng mag-inang Lorna Tolentino sa FPJ Ang Probinsyano at Renz Fernandez sa DOST PH.

Comment ng isang netizen, hanggang sa March na raw lamang si Lorna, magtatagal pa si Renz sa local adaptation ng Korean Drama.

Aicelle, Mel at Pops nahirapan sa pagpili ng champion

May bagong defending champion ang Centerstage, si Rain Barquin. Ina­min ng judges na sina Aicelle Santos, Mel Villena at Pops Fernandez, even the host, Alden Richards, na toughest episode ang naganap noong Sunday, dahil pare-parehong mahuhusay ang apat na contestants na isa sa kanila ang makakalaban ng defending champion na si Hargie na sa unang dalawang linggo ng original musical competition ay siyang nakakuha ng dalawang Centerstage rings.

Pero kahit mahusay ang performance ni Hargie, mas mahusay ang performance ni Rain, na sa simula pa lamang nang kumanta siya, ay napatayo na sa pagpalakpak ang audience ganoon din ang mga judge. 

Umiyak nang husto si Hargie kaya lumapit sa kanya ang judges. Hindi raw doon matatapos ang journey ni Hargie sa pagkanta at huwag siyang magsawang sumali sa mga singing contest. Duty rin kasi ng judges at ni Alden na i-console ang mga bata pagkatapos ng bawat contest. Kaya si Alden, sabi niya ay sasamahan nilang apat si Hargie na mag-bow bilang pagpapaalam, kaya sabay-sabay silang lima na nag-bow.

Ang Centerstage ay napapanood every Sunday evening, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko, sa GMA.

Benjamin 2015 pa huling nakasama si Lovi

Na-excite si Kapuso actor Benjamin Alves nang magkaroon sila ng story conference ng bago niyang project sa GMA Network Public Affairs, ang Owe My Love. “Nakakatuwa at hindi ako makapaniwala na sa bago kong project, muli kong makakasama, after five years, ang first leading lady ko, si Lovi Poe,” kuwento ni Benjamin. “Huli pa naming project ang Beautiful Strangers in 2015 kasama namin sina Heart Evangelista, Rocco Nacino, Dina Bonnevie at Christopher de Leon. Pero this time na muli kaming magtatambal, this will be a riot dahil star-studded comedians ang makakasama namin at nakakatuwa dahil magpapatawa naman kami, hindi magda-drama. Magiging comedians na rin kami ni Lovi.”

Ikinai-excite naman ni Lovi, for the first time ay makakatrabaho niya ang comedy legend na si Ms. AiAi delas Alas.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with