^

Pang Movies

Shaina at John Lloyd may part 2?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agaw-pansin ngayon ang karakter ni Shaina Magdayao sa FPJ’s Ang Pro­binsyano, para kasing nagiging love interest na ito ng karakter ni Coco Martin na si Cardo, samantalang may asawa si Cardo, at ito ay si Alyana na ginagampanan naman ni Yassi Pressman.

Matatamis na ngiti ang ibinungad ni Coco kay Shaina nang gamutin siya nito matapos mabugbog ng mga kalaban. Kasabay ni Shaina na pumasok sa AP sina Barbie Imperial at Isabelle de Leon na pawang mga pulis din ang karakter.

Samantala, simula nang mahiwalay sa dating nobyo na si John Lloyd Cruz ay hindi pa nagkaroon ng kasunod na boyfriend si Shaina. Bagama’t na-link siya kay Piolo Pascual, itinatanggi naman nilang dalawa ang kanilang tunay na estado.
Usap-usapang si Shaina raw ang makakatrabaho ni John Lloyd sa comeback film nitong Servando Magdamag. Madugtungan kaya ang naputol nilang love story? Lalo na ngayong hiwalay na rin ang huli sa aktres na si Ellen Adarna kung saan may isa siyang anak, si Elias Modesto.

Jeric nakakabaliw magmahal kaya pinag-aagawan!

Humaling na humaling ang mga manonood ngayon sa serye ng GMA-7 na Magkaagaw kung saan ang mga bida ay sina Jeric Gonzales, Klea Pineda at Sheryl Cruz.

Pinag-aagawan ng mga karakter nina Klea at Sheryl ang bagets na si Jeric.

May nag-comment tuloy na baka masarap daw at nakakabaliw magmahal si Jeric.

Game shows dinadagsa pa rin

Sa kabila ng banta ng coronavirus o CO­VID-19 outbreak, marami pa ring mga kababayan natin ang nagpupunta sa studio ng It’s Showtime, Eat Bulaga at lalung-lalo na sa Wowowin.

Puro mga matatanda ang makikitang nanono­od, pano ba naman kasi ay malambot ang puso ni Willie Revillame sa kanila. Pati na sa mga estu­dyante. Panay ang pamigay niya ng mga papremyo, kaya naman dedma ang mga taong ito sa virus na kumakalat. Mas matindi ang pagmamahal nila sa show at kay Kuya Will.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings for February born stars:

Sid Malhabor, Direk Jun Posadas, Baliwag Councilor Tony Patawaran, Myra Manibog, Rico Canoy, Johnny Manahan, Joshua Garcia, Malou Santos, June Torrejon at Perla Bautista

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with