^

Pang Movies

Mga batang mayor, mas epektib!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga batang mayor, mas epektib!

Ang tagal kong ‘di nakita si Mama Marivic Larrazabal kaya hindi ako updated sa mga bagong ganap kay Makati Mayor Abby Binay.

Ngayon ko lang nalaman na meron palang libreng rubber shoes na pinamimigay sa Makati. Kay Gorgy Rula ko lang nalaman na binibigyan pala ng libreng rubber shoes ang mga elementary at high school student na nag-aaral sa mga public school.

Bongga naman, libre cake sa mga senior citizen na nagbi-birthday, libre gamot sa mga walang pambili, may libreng sapatos pa.

Wow, kaya pala lumipat ng Makati si Gorgy, pero masaya kami ni Salve sa Quezon City ni Mayor Joy Belmonte na ginagawa rin ang lahat para sa mga taga-Quezon City.

Hanga talaga ako sa aggressiveness ng young mayors ng mga city natin, si Yorme Isko Moreno, Vico Sotto, Enrico Roque, Toby Tiangco, Andeng Ynares at Lani Mercado.

Tulad nina Mayor Joy at Mayor Abby, ‘yung young leadership nila ay talagang nakakatulong ng malaki sa mga bayan kung saan sila ang leader.

Young blood, fresh ideas, progressive cities. Bongga ang Pilipinas.

Basta nandito lang ako para suportahan kayo lagi.

Barbie at Migo, apaw ang chemistry

Sinong mag-aakala na papatok ang tambalang Barbie Forteza at Migo Adecer sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA-7. Aminado nga maging fans ng JakBie o ng real life couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ay kinikilig sa mga eksena nila Barbie at Migo.

Kaya abangan natin ang mga kaganapan sa serye sa tinututukang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa bago nitong timeslot pagkatapos ng Descen­dants of the Sun sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ABBY BINAY

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with