^

Pang Movies

Coney bagay na kontrabida

Vir Gonzales - Pang-masa
Coney bagay na kontrabida

MANILA, Philippines — Nakakapanibago ang acting ni Coney Reyes among our veteran stars sa teleseryeng napapanood sa GMA-7 na Love Of My Life. Walang kumukuwestyon sa kanya sa pagganap sa ibinigay sa kanyang karakter sa naturang serye.

Istriktong nanay ni Tom Rodriguez ang role niya, at bihirang ngumiti at matigas ang puso.

Sa ganda ng istorya, maraming nag-aabang gabi-gabi sa naturang kuwento kung saan bukod kay Connie ay tampok din sina Rhian Ramos, Carla Abellana at Mikael Daez.

Samantala, kapansin-pansin naman ang makapal na buhok ni Mikael, lalong bumagay ito sa kanya dahil sa role na black sheep ng pamilya.

Isabel hindi na makagala dahil sa mga galit na Noranian!

Isa pa sa mga magagaling na kontrabida ngayon ay si Isabel Rivas, na siya namang nang-aapi kay Nora Aunor sa seryeng Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit kung saan kasama rin nila sina Mylene Dizon at Kyline Alcantara.

Hindi na nga raw makapamasyal ng maayos sa mall si Isabel, paano raw kasi, nakabantay sa kanya ang mga Noranian na walang pakealam kahit pa umaarte lang siya.

Samantala, masayang-masaya naman si Isabel sa ibinigay sa kanyang pagkakataon. Nagsasawa na raw kasi siya sa role ng pagiging tita, gusto naman daw niyang ma-try na mang-api.

Mga bayolente at maseselang eksena dapat tutukan!

Bakit nga kaya pinapayagan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang mga kabayolentehang nagaganap sa TV? Harap-harapang patayan, mga kissing scene kahit mga menor de edad pa lang. Dapat siguro ay mas mabawasan pa ang mga ito para sa mabuting panonood ng kabataan.

Minsan kasi, dito nila natututunan ang mga ginagawa nila.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings sa mga February born: Maricel Soriano, Maricel Laxa, Roxanne Guinoo, Mommy Rita Mansueto, Rico Canoy, Mandy Navasero at Johnny Manahan.

vuukle comment

CONEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with