^

Pang Movies

Erich at Arjo umpisa na sa Regal movie, Juday ‘di umayaw sa bioflick ni Mother Lily

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Erich at Arjo umpisa na sa Regal movie, Juday �di umayaw sa bioflick ni Mother Lily

Pinabulaanan ni Roselle Monteverde ang nasulat na hindi na si Judy Ann Santos ang lalabas bilang si Mother Lily sa bioflick nito.

Message sa amin ni Ms. Roselle, “Hindi totoo.”

Sa totoo lang, si Juday ang unanimous choice bilang Mother Lily at tuloy na tuloy pa rin ang paggawa nito. Nagkaroon na nga ng pag-uusap ang mga anak ni Mother Lily sa ilang detalye ng movie pero ayon kay Mother Lily, walang planong kunan ang eksena sa ibang bansa.

Walang pagbabago sa major female lead at si Erik Matti pa rin ang director.

Samantala, sisimulan na ang bagong movie ni Erich Gonzales sa Regal.

Nagkaroon na ng storycon kahapon ng movie na Di Tayo Bagay.

Si Arjo Atayde ang leading man ni Erich at ilan sa kasama sa cast ay sina Ajon Mendoza, Karina Bautista, Miko Gallardo, Channel Morales at Joel Torre.

Mula ito sa direksyon ni Joel Ferrer.

Nathalie mas pinili ang career kesa tatay ng anak

Nakatikim ng talak si Nathalie Hart sa dating asawang Indian nang manood ito sa premiere ng isa niyang movie.

“Sa halip na i-congratulate ako, natarayan pa ako! Ha! Ha! Ha!” saad ni Nathalie nang makausap ng ilang press.

Hiwalay na ngayon si Nathalie sa dating partner at meron na silang anak. Bumalik ito sa bansa upang i-resume ang naudlot na career.

“Nabaliw-baliw ako. We have cultural differences. Ako kasi, I need to work. Gusto niya pambahay lang ako. Linis, alaga ng bata. Ayoko ng ganoon!” rason ni Nathalie.

“I have no choice dahil nakatali na ako. Tanggapin ko na lang kung ano ang nangyayari sa akin! Ginawa ko rin naman as a housewife. I enjoyed it naman for a certain moment.

“Pero hindi ito ang buhay ko. I want a career na hindi makakalimutan na pag namatay ako, sila lang ang iiyak!” diin pa niya.

Nagtagumpay naman siya sa gusto niya dahil nasa Japan siya ngayon para sa shooting ng Viva movie niyang Steal. Tinatapos din niya ang shooting ng Kunwari Mahal Kita with Ryza Cenon at Joseph Marco.

Nasa comedy film din siyang Pakboys at katatapos lang ng Sunday Night Fever film for iWant na comeback project ni Diether Ocampo.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with