^

Pang Movies

Alden sinorpresa uli ang batang may sakit

Pang-masa
Alden sinorpresa uli ang batang may sakit
Alden

MANILA, Philippines —Lalong pinahanga ni Alden Richards ang kanyang fans sa ginawa niyang pagbisita sa batang si Chuchay na may mabigat na karamdaman at matagal nang nakaratay sa ospital. Ang wish kasi nito ay makita ng personal ang idol niyang si Alden.

Galing pa si Alden sa ilan niyang commitments at saka dumiretso sa ospital. Agad na natuwa ang bata pagkakita sa kanya.

Sa ikalawang pagkakataon na libre si Alden ay muli niyang binisita si Chuchay na ikinagulat ng lahat na nasa ospital. Ang iba kasi ay isang beses lang kung bumisita dahil lamang sa request, pero si Alden ay talagang nagpunta uli.

Jake at Andi sinamahan ang anak sa piano recital

For the longest time, nagkasamang muli ang mag-ex na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann para suportahan ang anak nilang si Ellie sa isang piano recital.

Noon pa man ay reluctant daw si Andi na payagan ang anak na mag-aral ng piano dahil puwedeng mabawasan ang kanilang oras na magkasama, pero natuwa siya nang mapanood si Ellie na napakagaling sa piano recital nito.

Madalas namang kasama ni Jake ang anak na siyang nagsu-supervise rin ng pag-aaral nito. Wala na yatang balak si Jake na magkaroon pa ng bagong karelasyon dahil nakatutok na raw siya kay Ellie.

Ngayon balak na niyang magseryoso sa pag-aartista. Plano niyang mag ac­ting workshop. (JOE BARRAMEDA)

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with