^

Pang Movies

Aiko ‘gaganti’ kina Wendell at Katrina

Joe Barrameda - Pang-masa
Aiko �gaganti� kina Wendell at Katrina

MANILA, Philippines — Trending ngayon at halos pumalo na sa two million views on YouTube ang cheerdance performance ng lead stars ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas na talaga namang kinagiliwan at pinanggigilan ng netizens.

Super entertaining ang tagisan ng galing sa pagitan ng tatlong Donnas at grupo ni Brianna para sa kanilang school cheerdance tryouts.

Mayroon namang mga nainis sa ipinakitang attitude ni Jaime (Wendell Ramos) nang sitahin nito si Mayi matapos kalabanin si Brianna nang paglaruan ang kanilang mga kagamitan.

Samantala, ano kaya ang paghihiganting gagawin ni Kendra (Aiko Melendez) ngayon na nalaman na nito ang secret affair nina Jaime at Lilian (Katrina Halili)?

Kapuso tuloy lang sa paghahanap ng mga bagong iidolohin

Tuluy-tuloy talaga ang GMA-7 sa paghahatid ng sorpresa sa kanilang loyal viewers. Sisimulan na kasi ng Kapuso Network ang auditions para sa kanilang upcoming show kung saan naghahanap sila ng mga mahuhusay kumanta.

Bukas ang naturang audition sa solo singers maging sa singing duos - magkadugo man o magkaibigan ay swak na swak dahil wala ring age requirement o age limit. Gaganapin sa GMA Network Studio 1 ang auditions sa Pebrero 28, simula 10am hanggang 2:30am ang registration.

Kailangang dalhin ang copy ng birth certificate, 4R photo, at minus one sa USB ng iyong kantang aawitin. Kitakits, mga Kapuso.

vuukle comment

PRIMA DONNAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with