^

Pang Movies

Kris nakalimutang stockholder ng ABS-CBN

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris nakalimutang stockholder ng ABS-CBN
Kris

Nakalimutan na pala ni Kris Aquino na stockholder siya ng ABS-CBN at naalala lang nito nang may follower siya sa social media na nag-comment na isa siya sa stockholder ng ABS-CBN. Tanong pa ng follower niya kung in good terms pa rin siya with the network’s bosses? At kung ano ang say ni Boy Abunda?

“Actually forgot i had stocks until i read about it... and no we have lost touch... #truth.”

Sa website ng Lopez Holdings Corporation mababasa ang stockholders ng network at sa top 100, pang number 64 si Kris. Hindi nakalagay kung ilan ang share ni Kris.

Sa nabanggit ni Kris na “we have lost touch,” patungkol siguro sa ABS-CBN bosses ang kanyang sagot na wala na silang communication dahil sila ni Boy Abunda, may communication pa. In fact, sa nakaraang birthday ni Kris last February 14, pinasalamatan niya si Boy sa ipinadala nitong bouquet of flowers.

Still on Kris, hindi malaman kung kanino niya patungkol ang sagot na “no they aren’t.” Sagot ba niya ito sa comment na kukunin siya ng GMA 7 kasi mawawala na ang ABS-CBN? O sagot niya sa comment na mawawala ang ABS-CBN?

Anyway, na-share ni Kris sa kanyang socmed followers na nagkita sila ng kapatid niyang si former President Noynoy Aquino sa kasal ng kanilang pamangking babae na pareho nilang inaanak. Lumapit daw siya kay Noynoy sa “peace be with you” at umaasang simula na ‘yun para maayos na nila ang anumang gusot sa kanilang

pagitan. Para matuwa na ang mga anak na sina Josh at Bimby na parehong close kay Noynoy, lalo na si Josh.

Mag-focus daw sa pagbubuntis Anne pinatatahimik sa franchiserye

Kahit si Anne Curtis, siguradong natawa nang mabasa ang comment na ‘wag na siyang makialam at manganak na muna siya sa Australia. Nag-comment kasi si Anne ng emoji sa post at sagot ni Angel Locsin kay Vivian Velez tungkol sa pagiging stockholder ni Angel ng ABS-CBN.

Ang daming nag-comment sa post na ‘yun ni Angel, pero tanging si Anne ang napansin ng netizen at ang payo nga kay Anne, ‘wag na siyang makialam at unahin muna ang makapanganak.

Speaking of Anne, umabot na sa 1,751,141 ang likes sa birthday suit post niya na kung saan, makikita ang photo niya na hubo’t hubad, pero walang makitang malisya sa litrato. Dahil siguro sa buntis na buntis siya at any day now ay isisilang na niya ang baby girl nila ni Erwan Heussaff.

Ruru may selos kina Dennis at Sam?!

Hindi naman siguro pagseselosan ni Ruru Madrid ang convo ng GF niyang si Bianca Umali at Sam Concepcion sa Internet. Naging magkaibigan sina Bianca at Sam dahil magkasama sila sa HBO Asia series na Halfworlds at dahil magkasama sa shoot, nakakapagkuwentuhan at naging magkaibigan.

Saka between the two, mas selosa raw si Bianca, ibig sabihin, hindi rin pagseselosan ni Ruru sakaling may kissing scene sina Bianca at Dennis Trillo sa bagong primetime series ng GMA-7 na Legal Wives.

Isa kasi si Bianca sa three wives ni Dennis, siya ang youngest wife at isang Maranao ang kanyang karakter. First mature role ito ni Bianca at dahil nga mag-asawa sila ni Dennis, hindi malayong may kissing scene at may bed scene sila.

Hindi pumapayag si director Zig Dulay na pine-fake ang eksena, kaya maghanda ka na Bianca at maghanda ka na rin Ruru.

Kapag nagkataon, dalawa ang pagseselosan ni Ruru, sina Dennis at Sam.

Coney nagluluksa!

Malungkot ang nabasa naming post ni Coney Reyes kahapon, tungkol sa batang kaibigan niya na pumanaw. Walang masyadong detalye na ibinigay si Coney, nabasa na lang namin ang comment na fan niya ang bata at kapag napapanood siya sa TV at nitong huli, sa Love of My Life, nagtatatalon ang bata at ipinagmamalaking kilala niya si Coney.

Pare-pareho ang comment na nababasa namin na ang galing niya bilang si Isabella, ang mataray at mayamang ina nina Stefano (Tom Rodriguez) at Nikolai (Mikael Daez).

Walang sinasayang na eksena si Coney, mapamaliit o malaking eksena, inilalabas niya ang kanyang galing. Kaya sa mga review, laging nababanggit ang husay umaarte ni Coney.

Mabuti na lang at mahuhusay din ang mga kasama ni Coney sa Love of My Life, nasasabayan siya nina Tom, Mikael, Rhian Ramos at Carla Abellana.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with