^

Pang Movies

Male singer binitbit ang buong pamilya sa isang event na siya lang ang invited

Gorgy Rula - Pang-masa

Hindi rin nakaligtas sa tsismis itong maga­ling na male singer nang minsang inimbitahan siya sa isang corporate event para kumanta.

Isang bading na promoter ang kumuha sa kanya na maaaring may pagnanasa rin dahil kapansin-pansin daw ang pagka-‘bukol king’ nitong si male singer.

Ang ikinabaliw lang nilang lahat, lalo na ang kumpanyang nagpa-event, ang daming bitbit na kasama raw itong si male singer.

Hindi lang daw isang table ang inukopa nila kung hindi dalawa, parang doon na rin yata naki-dinner ang buong pamilya.

Ang sabi raw ni male singer, may lakad pa silang buong pamilya after the event kaya isinama na niya.

Hindi na sila nakaangal, at parang naramdaman naman ni male singer na naiirita ang promoter dahil sa hiya sa kliyente nito, ginalingan na lang daw niya ang performance.

Tuwang-tuwa naman daw ang mga dumalo sa event na iyon kaya nag-request pa raw sila ng another song na pinagbigyan naman ni singer.

Naka-dalawang request na nga sila at todo-bigay ang performance ni male singer. Kaya nawala na ang irita ni promoter sa dalawang table na pinakain sa buong pamilya.

Sabi ni bading na promoter na naglalaway pa sa pabukol ni male singer, gets daw niya uli ito sa susunod niyang event.

Pagkalipas ng ilang buwan, kinuha nga niya uli.

Pero nakasaad na sa kontrata na allowed lang itong magsama ng dalawa sa kanyang entourage.

Hindi na bago ang ganitong mga celebrity na pasimpleng nalilibre sa pagkain ang buong pamilya.

Kaya naba-blind item na lang sila tuloy.

Myrtle dapat maging mapili sa mga kukuning role

Ngayong Kapuso na si Myrtle Sarrosa, marami ang nagsasabing sana magiging mapili na siya sa projects na tinatanggap niya.

Kapansin-pansin na rin kasi na marami siyang nagawang projects na hindi man lang napansin ang role niya roon.

Kasali nga siya sa huling pelikula ng Star Cinema na James & Pat & Dave at wala raw saysay ang role niya roon.

Pero sabi naman ni Myrtle, hindi raw yan sa laki o liit ng role, kung hindi kung paano mo i-portray.

Pero ngayong nasa GMA Artist Center na siya, magiging mapili na sila at

maingat sa mga projects na tinatanggap.

“I really believed there’s no big or small roles in the films you do.

“Para sa akin, if there’s an opportunity para sa role, you do your best.

“Pero nung nakausap ko na rin yung management ko and they said na

kailangan naming basahin yung scripts na binibigay sa akin.

“And this time around they’re gonna make sure na aligned yung mga characters na pipiliin ko,” pahayag ni Myrtle pagkatapos niyang pumirma sa GMA-7 nung nakaraang linggo.

Kaya marami ang nagtatanong na magiging bahagi na kaya siya ng Voltes V?

Wala pa kasing kinukumpirmang magiging bahagi sa maaksyong seryeng ito dahil talagang nagpapa-audition pa rin sila.

Pero may edge kaya si Myrtle dahil sa pagiging cosplayer niya?

“Nagulat ako sa balitang iyon, kasi wala pa po talagang confirmed na role na ibibigay sa akin. Hindi ko po alam kung saan po ako maisasali.

“Pero I did audition for a role sa upcoming na live action ng GMA. And since, sobrang fan naman po talaga ako ng Voltes V, it would be a dream role. Pero ayoko ko po muna mag-expect.

“I did my best and we’ll see kung sinong pipiliin nila. Alam kong marami pang mahuhusay na aktor at aktres na nag-audition for the many roles for the live action. We’ll see kung sino ang kukunin nila,” saad ni Myrtle.

So far, nag-guest pa lang muna siya sa Bubble Gang, at katatapos lang niyang mag-taping sa Tadhana.

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with