^

Pang Movies

Lorna hindi inasahang maba-bash sa ginawa kay Susan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Marami ang nakasaksi sa kawalang respeto at pambabastos na ginawa ni Lorna Tolento sa butihing aktres na si Ms. Susan Roces. Wala sa bokabularyo ni LT ang salitang paggalang, kesehodang matanda sa kanya ang kausap.

Sa sobrang galit ni Susan, bigla itong nanginig at nag-collapse. Sanhi para isugod ito sa ospital.

Lahat ng ‘yan ay isang eksena lamang sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero hindi akalain ni LT na magagalit sa kanya ang taumbayan sa personal dahil sa kanyang ginawa kay Susan sa nasabing serye.

Kapuri-puri naman kasi ang acting niya, parang totoong-totoo dahil nakakainis talaga ang karakter niyang si Lily na isang kontrabida.

Ayon kay LT, pagkatapos niya kay Lily, gusto na niyang magbalik sa role na mabait. Nakakapagod na maging masama.

‘Pagsuway’ ni Sarah sa nanay kinatuwa ng bayan

Mother knows best daw, ‘yan ang kasabihan ng marami, subalit sa biglaang kasal nina Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli, hindi nanaig ang gusto ng nanay ni Sarah na si Divine Geronimo.

Thirty one na si Sarah, normal lang na sundin naman nito ang kanyang puso.

Sa kabila ng pangit na anggulong sinuway ni Sarah ang kanyang ina sa kauna-unahang pagkakataon, masaya pa rin ang buong Pilipinas dahil sa wakas ay sinunod na si Sarah ang matagal na niyang gusto.

Nagmukhang kontrabida tuloy si Mommy Divine.

Ngayong kasal na ang dalawa, wala nang makakapigil pa sa kanila.

Congrats Sarah at Matteo!

Wowowin dancers parang mga manika!

Nakakakaba naman ang mga talentong ipinapakita ng contestants sa Wowowin. Paano kaya nahahanap ni Willie Revillame ang mga ito?

Buwis-buhay palagi, kaya ang mga judge ay hindi magkamayaw sa pagtili.

Samantala, ang gaganda ng dancers ni Willie, para silang mga manyikang sumasayaw sa stage, at higit sa lahat, walang nagmamaganda sa kanila. Naku, ayaw ni Ana Feliciano ng ganun!

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to February born celebrants:

Jinggoy Estrada, Perla Bautista, Direk Jun Posadas, Jinkee Llamanzares, Love Añover, Len Llanes, Gerry Ocampo, Alex del Rosario at Nilo Maligaya.

vuukle comment

LORNA TOLENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with