^

Pang Movies

Solicitor General Jose Calida umapelang busalan ang mga maiingay sa franchise renewal ng ABS-CBN!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Solicitor General Jose Calida umapelang busalan ang mga maiingay sa franchise renewal ng ABS-CBN!
Solicitor General Jose Calida

Rumesbak si Solicitor General Jose Calida sa mga bumabanat sa kanya at patuloy na nananawagan kaugnay ng isinampa niyang quo warranto petition para mapawalang-bisa ang franchise ng ABS-CBN at ABS-CBN Convergence.

Isang urgent motion ang inihain ni Calida sa Supreme Court upang maglabas ng gag order para tumahimik ang mga naglalabasang hinaing ng ilang artista at supporters ng network.

Rason ni SolGen, labag daw ang ginagawa nila sa subjudice rule dahil may nakasampa nang petisyon sa Korte Suprema kaugnay nito.

Nagpalabas na rin ng order ang Supreme Court na magkomento ang ABS-CBN sa alegasyon ni SG Calida sa loob ng sampung araw.

Jane kulang sa boobs!

Napanood namin ang TV commercial ni Jane de Leon. Si Jane ang bagong Darna na ipinalit kay Liza Soberano.

Eh dahil baguhan, nakalagay ang pangalan ni Jane sa isang bahagi ng TVC.

In fairness, nagandahan naman sa kanya ang ilan naming kaibigan nang mapanood ang TVC. Iisa nga lang ang reaksyon nila – walang boobs!

Siyempre, bukod sa ganda at mukhang Pinay, kailangan din ng isang Darna na may kalusugan ang dibdib, huh!

Well, saka na lang natin malalaman pag naglabasan na ang pictures ni Jane bilang Darna kung nagawan ng solusyon ang medyo maliit niyang dibdib!

Problema ba ang maliit na boobs ngayon? Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

JOSE CALIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with