^

Pang Movies

Vicky may wish sa bagong programa

Joe Barrameda - Pang-masa
Vicky may wish sa bagong programa
Vicky

MANILA, Philippines — Hiningan namin ng komento ang GMA News anchor na si Ms. Vicky Morales sa pagtatapos ng isa sa mga longest running show ng GMA News and Public Affairs na Wish Ko Lang.

Ayon kay Vicky ay ikinalulungkot niya dahil marami raw itong natutulu-ngan tulad ng paghahanap at pagsasama muli ng mga nawawalang kamag-anak, pamimigay ng scholarships sa mga gustong makapag-aral pero walang pera, at mga pangkabuhayan package.

Sa pagpasok ng bagong show niya ay dinadalangin niya na suportahan din siya. Umaasa rin siya na ang kanyang bagong show ay mas marami pa siyang matulungan.

After 16 years ay namaalam na siya sa Wish Ko Lang.

Jennylyn blooming kahit ngaragan ang trabaho

Nothing but kilig vibes ang ipinadama ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang first ever concert na CoLove Live noong Sabado, February 15.  Sold-out ang tickets at talagang dinumog ito. Star-studded din ang concert dahil bigating stars ang nakisaya sa kanilang post-Valentine concert.

Walang kupas ang DenJen sa pagpe-perform mula sa kanilang YouTube channel hanggang sa entablado.

Samantala, gabi-gabi ring nagpapakilig si Jennylyn bilang Dr. Maxine sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Pero kahit na super busy sa career si Jennylyn, tila lalo pa siyang nagiging bloo­ming!

Iba talaga pag in love!

Coney at Carla maraming napanganga

Napa-wow ang mga manonood sa intense na episode last week sa GMA primetime series na Love Of My Life.

Sa ipinalabas na confrontation scene ng mga karakter nina Coney Reyes, Carla Abellana at Tom Rodriguez na sina Isabella, Adelle at Stefano, hindi napigilan ng netizens na pag-usapan ito online!

Heavy drama ang ipinamalas nina Carla at Coney at puring-puri ito ng viewers!

Subaybayan lang ang gumagandang kuwento sa Love Of My Life, gabi-gabi pagtapos ng Descendants of the Sun.                                                   

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with