^

Pang Movies

Angel at Neil excited nang ikasal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Angel at Neil excited nang ikasal

Sa post ni Neil Arce sa Instagram na “Last year I was here with my GF... this year IM here with my fiancée next year and all The years after that ill be here with my wife:) happy valentine’s day my Love!” at post ni Angel Locsin na “celebrating our last Valentine’s day as boyfriend and girlfriend,” parang may paramdam na ang engaged couple na kung hindi this year ay early next year na ang kasal nilang dalawa.

Ang tinukoy ni Neil na “here” sa kanyang post ay sa Aivee Clinic kung saan, nag-spent sila ni Angel ng part ng kanilang Valentine’s Day celebration na nabasa namin ay treat ni Neil sa kanyang fiancée.

Sabi kasi ni Neil, nananakit ang kanyang katawan, kaya sumailalim siya sa Aivee Air treatment at isinama na niya si Angel. 

Kakaiba nga naman ang Valentine’s date nila at hindi rin naman nakalimutan ni Neil na bigyan ng boquet ng red roses si Angel na ang pasasalamat ay may kasamang “can’t wait to spend this and every valentines with you @neil_arce.”

Robin ayaw magpaawat!

Humahaba ang usaping sinimulan ni Robin Padilla na paghahamon sa talents ng ABS-CBN, TV 5 at GMA Network na ilabas ang kani-kanyang kontrata para makita ng publiko kung magkano ang kanilang talent fee.

Sinagot ng ABS-CBN executive na Ms. Ethel Espiritu si Robin at may mga binanggit siya na sa sagot sa kanya ni Robin ay isa-isa nitong sinagot. Tila hahaba pa ang isyu dahil may nabanggit na ibang pangalan si Robin, si Rocky Ubana at ipinasasagot ang kanyang mga tanong. Waiting kami at ang ibang nakabasa sa post ni Robin kung ano ang isasagot ni Rocky.

Bago tapusin ni Robin ang post niya sa IG na sagot kay Ms. Ethel, may binanggit siyang “I already apologizes pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon” na ang pagkakaintindi namin, game siya kung humaba pa ang usaping nagsimula sa franchise renewal ng ABS-CBN.

vuukle comment

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with