^

Pang Movies

Blind Pinoy singer ready nang ma-meet si Ellen DeGeneres!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi makapaniwala si Carl Montecido na nabigyang-pansin siya ng TV show ni Ellen DeGeneres kaya lilipad siya for Los Angeles para maging guest sa The Ellen DeGeneres Show.

Noong February 8 daw nang tawagan siya ng isa sa staff ng show ni Ellen.

“Tinawagan nila ko last week pa so probably mga February 8. No’ng simula pa lang mag-viral, may mga PM na sila sa akin.

“Actually, no’ng una, hindi nga ako naniniwala baka kasi ano, e manloloko, alam mo naman dito sa Philippines, maraming gano’n. We already checked the profile naman,” sey ng 21-year old visually-impaired singer ng Bacolod City na nag-viral ang video sa social media habang inaawit niya ang Sam Smith song na Too Good at Goodbyes.

Marami nang na-feature si Ellen na mga Pinoy artist na nag-viral ang videos via YouTube tulad nila Charice Pempengco a.k.a Jake Zyrus, Marcelito Pomoy, Rhap Salazar, Aldrich Lloyd Talonding, Zendee Rose Tenerefe, Balang, at Arnel Pineda.

“Sa totoo lang no’ng kausap ko ‘yung staff ni Ellen DeGeneres, do’n nila kinonfirm na okay kasi may iba pa kong kinanta bukod sa viral video na ‘yun.

“So, pinag-sample pa nila ko, kinuhanan nila ‘ko ng video, papakita raw sa boss nila.

“And then, nagustuhan daw ni Ellen, so mararamdaman ko do’n masaya ako kasi of all the people here in the Philippines, hindi gano’n kadali makapasok sa industry na ganyan, lalo na at international.

“Siguro nilu-look forward ko since andito na ko sa platform na ‘to, matuloy ‘yung music career ko kasi ang dami ko nang malalaking shows na nasalihan pero hindi natutuloy.

“Pero sa bagong pintong bumukas, ito na ‘yun. Sana magtuluy-tuloy na siya hindi lang dito, kundi sa ibang lugar.”

Naging contestant na si Carl noon sa Pilipinas Got Talent noong 2010.

Nakilala naman siya bilang Blind Balladeer of Bacolod sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime noong 2016. Sumali rin siya sa second season ng The Clash in 2019.

Nai-share rin ni Carl ang kanyang preparasyon sa paglabas sa show ni Ellen. “Ang mga preparation na gagawin ko, maghahanda ako ng mas marami pang foreign songs kasi ang mga manonood do’n mga foreigner, may mga Pinoy din siguro pero hindi gano’n karami.

“So isa pa siguro sa mga paghahanda ko ay aaralin ko ang show, kung ano ba ‘yung mga mechanics do’n, kung ano posibleng gagawin do’n.

“Yung nag-viral pa rin ‘yung kakantahin ko. Siguro mag-me-medley ako ng Sam Smith songs.”

Pambato ng ‘Pinas sa Manhunt, pressured 

Pinaghandaan ng husto ni Manhunt Philippines 2019 Daumier Corilla ang pag-compete nito sa 20th edition ng Manhunt International World Final sa darating na February 22 sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Quezon City.

Higit na 36 male contestants mula sa iba’t ibang bansa ang makakalaban ni Daumier na matatawag na baguhan sa pagsali sa male pageants.

“This is just my third pageant. Una akong sumali and I won the title Mr. Mapua Business Ad in 2013. Then when I was studying in Santa Monica College in California, I joined and won Mr. World Philippines USA in 2019. Then I was flown here to join Global Asian Model Philippines 2019 where I won the title Manhunt Philippines.

“Nakaka-pressure rin because nakita ko na ang profiles ng mga magiging contestants ng Manhunt International and almost all of them are prepared physically, lalo na ‘yung mga contestants from Latin America like Brazil and Puerto Rico,” sey ni Daumier.

Graduate ng Aviation Administration sa Santa Monica College si Daumier at itutuloy niya ito sa pagiging isang piloto.

Wala raw girlfriend si Daumier dahil tumutok siya sa pagtatapos ng kanyang college degree at sa trabaho niya bilang male model.

vuukle comment

ELLEN DEGENERES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with