^

Pang Movies

John Lloyd at Bea magkasama nung VDAY, Ellen nag-declare ng self love

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd at Bea magkasama nung VDAY, Ellen nag-declare ng self love

Habang self love ang IG story ng inactive sexy actress na si Ellen Adarna, lumutang namang magkasama sina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo sa live script reading ng That Thing Called Tadhana sa Ayala Triangle last Valentine’s Day.

At hindi lang basta script reading dahil may part na kakanta sa script na ginawa ng magka-loveteam na nakagawa ng maraming blockbuster movies.

Tilian ang fans at kilig na kilig sa kanila.

Meron pa raw portion doon na binanggit ang pangalan ni Gerald Anderson kaya parang sinasaway pa ni Bea ang ka-loveteam.

Last year kinumpirma ng source kong ABS-CBN insider na may gagawin nga silang pelikula sa Star Cinema.

Ayon sa ABS-CBN.com surprised ang pagdating nina John Lloyd at Bea sa Ayala Tower One in Makati kung saan pinalabas ang hit film nilang  One More Chance bilang kickoff sa Art Fair Philippines’  10 Days of Art.

Kilalang art lover si John Lloyd.

Last year napabalitang hiwalay na sina John­lloyd at Ellen.

Alden naghahanap ng successor!

“Successors” daw ang hinahanap ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa upcoming kids’ talent competition na Centerstage na mag-uumpisa na ngayong gabi. Excited na raw ang aktor na makakilala ng mga bibong contestants na handang ipakita ang kani-kanyang talento bilang mga performer. Dagdag ni Alden, hinahanap daw niya ang mga susunod sa yapak ng magagaling na artists sa GMA, “It’s a very different interactive way of determining who will be the winner but basically, we’re looking for stars [who] can carry themselves as performers, we want to discover new talents who can be successors to the current ones.”

Abangan kung papaano gagabayan ni Alden ang mga bata bilang host. Ngayong Linggo (Pebrero 16) na ang simula ng journey ng mga aspiring Bida Kids sa Centerstage, 7:40 PM sa GMA!

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with