^

Pang Movies

Jane at RK kanya-kanya sa VDay!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jane at RK kanya-kanya sa VDay!
Jane at RK

Happy Valentine’s Day to all the readers of Pang-Masa!

Tinanong namin sina Jane Oineza at RK Bagatsing kung sine-celebrate nila ang Valentine’s Day sa mediacon ng Regal movie nilang Us Again.

“Wala! Pag kasama ninyo ako, araw-araw Valentine’s. Siyempre naniniwala ako sa Valentine’s. Hindi lang naman ito pang-dyowa.

“It’s a day of love. Month of love. Puwede ito to spend time with your family, special someone. Naniniwala ako.

“Ngayong Valentine’s, wala pang plano. Wala pa!” sagot ni RK.

“Ako naman, may trabaho sa Valentine’s. May promo kami so ka-Valentine’s ko ‘yung work! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Jane.

Sa mediacon, may kissing at love scenes man sina Jane at RK, itinanggi nilang naging sila noong ginagawa ang series nilang Araw-Gabi.

Dahil sa kamalditahan, junior actress pahinga muna sa pagbibida

Nganga muna sa regular series ang isang junior actress. Resulta ito ng pagmamaldita niya sa nakaraang programa kaya natsugi na ito.

Bilang pakunsuwelo, guesting lang muna ang assignments niya. Lead pa rin naman siya pero iba pa rin ang pagkakaroon ng regular series, huh!

Malamang na matagalan pa bago siya magkaroon ng regular na programa. Eh nabigyan na kasi siya ng chance maging bida, umakyat naman agad ang ere sa ulo niya.

vuukle comment

JANE OINEZA

RK BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with