^

Pang Movies

Ellen Adarna palaban sa kaaway?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ellen Adarna palaban sa kaaway?!
Ellen

Pinag-iisipan ng netizens ngayon kung sino ang kaaway ng inactive sexy star na si Ellen Adarna. Ito ay matapos siyang mag-IG story ng “Don’t me. Stop testing the new me like the old me ain’t still in me.”

Kilalang palaban ang ina ng anak ni John Lloyd Cruz na lately ay biglang naging active sa social media.

Simula umpisa ng relasyon nilani John Lloyd  ay walang nagsalita sa natapos nilang relasyon.

Coco nanghihingi ng tulong sa fans para ‘di mawalan ng trabaho

Nanghihingi na ng tulong si Coco Martin sa kanyang fans para hindi maipasara ang ABS-CBN na nakatakdang mag-expire ang franchise next month.

Bukod sa isyu ng franchise renewal, hinaharap din ngayon ng Channel 2 ang quo warranto na inihain sa Supreme Court ng Office of the Solicitor General.

“Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN, natupad ko lahat ng pangarap ko para sa sarili ko at sa aking buong pamilya. Dahil sa ABS-CBN, napakaraming tao at pamilya na nabigyan ng oportunidad magkaroon ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano, napakaraming taong natulungan, mula sa aming mga artista, staff at crew. Nabigyan ulit ng trabaho lalo na ang mga artista na nawalan ng pag-asa na mu­ling makita ulit sa telebisyon, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para kumita at ituloy muli ang kanilang mga pangarap! 11,000 na empleyado po ang mawawalan ng trabaho kabilang na po ako. Paano na po ang aking pamilya at ang mga pamilya ng lahat ng nagtratrabaho sa kum­panyang ito? Dito po kami umaasa ng aming ikabubuhay.

“Sa pagtatrabaho ko sa ABS-CBN ay nalibot ko na halos ang buong Pilipinas at buong mundo upang pasiyahin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipino na tumatangkilik sa aming mga pinalalabas. Gumagawa din po ang ABS-CBN ng mga charity events upang makatulong sa ating mga kababayan. Sa tuwing may sakuna, ang ABS-CBN ginagawa ang abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa lahat ng nangangailangan. At ako mismo ang nakasaksi kung gaano kabuti ang hangarin ng ABS-CBN upang makatulong sa lahat ng mga Pilipino.

“Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko kung mawawala ang ABS-CBN na naging malaking bahagi ng aking buhay.
“Sana po tulungan ninyo kami na ipanalangin na mapukaw ang puso at maliwanagan ang isip ng mga tao na nagnanais ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay!”

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with