^

Pang Movies

Jake mas na-tension kay Jinggoy kesa kay Sylvia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jake mas na-tension kay Jinggoy kesa kay Sylvia
Jake

Pagkatapos ng short stint niya sa Eat Bulaga two years ago, napapayag muli si Jake Ejercito na lumabas sa harap ng camera, this time ay sa big screen naman via Coming Home kung saan ay kasama niya ang kanyang half-brother na si former Senator Jinggoy Estrada.

Nakumbinsi siya ni Jinggoy na siya ring producer ng Coming Home at aminado naman siyang at first ay reluctant siyang tanggapin since wala pa siyang experience sa acting.

Pero tinanggap na rin niya ang challenge at heto na nga’t last shooting day na nila sa Thursday.

Noong una raw ay talagang nangapa siya at kinabahan lalo pa’t magagaling ding artista ang mga kasama niya.

“Pero ang masasabi ko naman, ‘yung mga kasama namin sa set sa pangunguna ni Sen. Jinggoy, talagang they made it a point naman na maging kumportable kaming lahat, lalo na kami ni Julian (anak ni Jinggoy) na mga baguhan.

“So, nandu’n ‘yung kaba pero na-enjoy ko rin naman kahit paano,” sabi ni Jake.

Sa pelikula ay ginagampanan niya ang anak ni Jinggoy at talagang kinabahan daw siya na makaeksena ang kanyang kuya.

“Nun’g una, akala ko, mas kakabahan ako kay Ms. Sylvia (Sanchez na kasama rin sa movie), pero mas nanginig ako nun’g si kuya Jinggoy na. Pero pareho naman silang very generous and they made it a point naman na comfortable ako sa mga eksena namin.

When asked kung magtutuloy-tuloy na ba ang kanyang pag-aartista, aniya ay hindi pa rin niya masabi.

“Depende po sa feedback at saka sa reaction po ng mga tao. All I can do is hope and pray na magustuhan nila ‘yung pelikula na io-offer namin sa kanila,” he said.

When it comes to his personal life, thankful si Jake na tahimik na ang lahat ngayon. Alam din naman ng lahat ang pinagdaanan niyang kontro­bersiya before with her ex-girlfriend, Andi Eigenmann na ina ng kanyang anak na si Ellie.

Ang bilis nga raw ng panahon dahil 8 years old na ngayon si Ellie and few years from now ay dalaga na.

Noon pa ay nasasaksihan din naman ng lahat kung gaano kamahal ni Jake ang anak nila ni Andi at never niya ito talagang pinabayaan since day 1.

Ngayong may kanya-kanya na silang buhay ni Andi, constant pa rin naman ang communication nila ni Ellie. He sees her child at least twice a month at nakakasama rin niya sa mga out of the country trips.

Walang lovelife ngayon si Jake at aniya, ang buong panahon daw niya ay nakabuhos kay Ellie.

Samantala, ang Coming Home ay intended for Summer Metro Manila Film Festival at ito ang pagbabalik ni Jinggoy sa pelikula after 7 years. Mula sa direksyon ni Adolf Alix, kasama rin sa pelikula sina Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Martin del Rosario, Ariella Arida, Vin Abrenica, Janna Agoncillo, Smokey Manaloto, Almira Muhlach, Luis Hontiveros, Chanel Morales, Joko Diaz, at ang comebacking singer-actress na si Geneva Cruz.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with