Joshua aminadong kay Julia nahawa sa pag-i-English!
Magkahalong gulat at excitement ang naramdaman ni Joshua Garcia nang malaman na gusto siya ni direk Chito Roño na maging bidang batang aktor sa best-selling novel ni Bob Ong na Mga Kaibigan ni Mama Susan.
“Madadagdagan ang portfolio ko ng mga nakatrabaho ko na malulupit na directors, actors. I am very happy at ako ang napili nila para rito. Magaling na ang director, maganda pa ‘yun story,” pahayag ni Joshua bago ang story conference ng movie. Co-production itong Regal Entertainment at Blackheep Productions.
Ayon kay direk Chito, personal choice niya si Joshua dahil nagustuhan niya ito sa pelikulang Love You to The Stars and Back.
Pamilyar si Joshua sa pelikulang Feng Shui ni direk Roño at Ghost Bride ni Kim Chiu.
Nabasa na rin niya ang kalahati ng libro at siya ang papapel na Galo. Si Angie Ferro naman ang lalabas na Mama Susan.
Alam ba niya ang style ng pagdidirek ni Chito gaya ng paninigaw nito minsan sa set?
“Actually, narinig ko na ‘yon. Magagalitin daw pero depende naman sa katrabaho mo ‘yan. Kung magaling naman, bakit sisigawan?” rason ng 22-year old actor.
Ano ang masasabi niya at wala siyang ka-loveteam sa bagong project?
“As an actor, depende eh. Para sa akin, puwede akong mag-loveteam, pero mas marami kang katrabaho, mas maganda. Magiging bukas ka rin sa lahat,” sey niya.
So okay naman siyang magkaroon ng ibang leading lady?
“Oo naman! Natututo ako sa mga katrabaho ko. Like si Julia (Barretto), hindi naman ako nag-i-English dati. Natututo ka eh,” katwiran ni Joshua.
- Latest