^

Pang Movies

Pelikula nina Cristine at Xian tuloy na ang showing

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Pelikula nina Cristine at Xian tuloy na ang showing
Cristine at Xian

Tuloy na tuloy na ang showing ng pelikulang Untrue sa mga sinehan nationwide on February 19 (Wednesday).

Ang nasabing pelikula ay tinatampukan nina Cristine Reyes at Xian Lim mula sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Si Direk Sigrid ay siyang nagdirek ng blockbuster movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, ang Kita Kita in 2017. Siya rin ang nasa likod ng mga pelikulang Ang Hu­ling Cha-Cha ni Anita in 2013, Lorna in 2014 at ang Mr. & Mrs. Cruz in 2018 na pinagtambalan nina Ryza Cenon at JC Santos under Viva Films.

Sen. Win gusto nang wakasan ang pagiging bachelor?!

Si Pauleen Luna ang first showbiz personality na naging kasintahan ng very much bachelor senator na si Sen. Sherwin ‘Win’ Gatchalian pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. As everybody knows now, si Pauleen ay misis na ngayon ni Vic Sotto at meron na silang isang anak, ang almost two-year-old na si Talitha, habang nananatiling single pa rin ang 45-year-old senator.

Ang dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo ang bagong kasintahan ng senador ngayon at nung nakaraang November ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang anniversary.

Si Bianca na nga kaya ang matagal nang hinahanap ni Sen. Win?

Marami rin ang nagsasabi na gusto na umanong wakasan ni Sen. Win ang kanyang pagiging binata at bumuo na rin ng kanyang sariling pamilya.

Hindi kaya si Sen. Win ang next na magpu-propose ng marriage sa kanyang girlfriend ngayon na si Bianca? And it just might happen this year.

Samantala, marami ang natutuwa sa working relationship ni Bianca with her ex-boyfriend ni John Prats sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Bukod kay John, naging boyfriend din noon ng beauty queen-actress ang Brazilian-Japanese model-actor na si Favio Ide maging ang mayor ng Pandan, Antique na si Jonathan Tan at iba pa.

Unknown to many, si Bianca ay dating flight stewardess ng Philippine Airlines bago ito sumabak sa pagiging beauty queen. In 2009, she represented the Philippines sa Miss Universe competition matapos siyang koronahang Bb. Pilipinas-Universe on same year.

Bianca is 32.

Pinay ‘di nasungkit ang Reina Hispanoamericana crown

Ang beauty queen-actress na si Teresita ‘Winwyn’ Marquez ang kauna-unahang Filipina and Asian beauty na nakapag-uwi ng korona sa 2017 Reina Hispanoamericana at nitong 2019 na ginanap lamang nung nakaraang Sabado ng gabi, February 8, 2020 (February 9 sa Pilipinas) sa Sta. Cruz, Bolivia, ang kinatawan ng Pilipinas na si Katrina Llegado ang tinanghal na 5th runner-up or seventh placer mula sa Top 11 finalists.

Ang Mexico ang nakapag-uwi ng korona na si Regina Peredo Gutierrez at ipinutong sa kanya ng outgoing 2018 Reina Hispanoamericana ang korona na si Nariman Battikha ng Venezuela.

Dapat sana’y nung nakaraang November 2019 pa ang coronation night ng 2019 Reina Hispanoamerica pero ito’y naurong dahil sa kaguluhan sa Bolivia.

Samantala, ngayong tapos na ang reign ni Katrina sa Miss World, sana’y sumali siya sa Miss Universe-Philippines this year.

Aga gustong subukan si Jodi

Sa darating na March 15, 2020 ay gaganapin ang ika-51st Box Office Entertainment Awards night ng Guillermo Memorial Scholarship foundation to be held at the Newport Performing Arts Theatre.

Mahigit 50 awards ang ipamimigay para sa iba’t ibang kategorya na pangungunahan ng Phenomenal Stars of Philippine Cinema na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na siya ring nanalong Film Actress at Film Actor of the Year para sa record-breaking movie na Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema nung isang taon.

Sa Film Actor of the Year award ay ka-tie ni Alden ang Miracle in Cell No. 7 lead actor na si Aga Muhlach na siya ring dineklarang Box-Office King at Box-Office Queen naman ang childstar na si Xia Vigor na siyang gumanap sa papel na Yesha sa Miracle in Cell No. 7.

Samantala, gusto raw na makatambal ni Aga Muhlach ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang bagong movie na gagawin sa bakuran ng Viva Films, ang A Man and A Woman.

Of course, malaking karangalan ito para kay Jodi dahil siya ang nire-request ng  award-winning actor at kokoronahang Box-Office King at Film Actor of the Year na si Aga.

 

vuukle comment

CRISTINE REYES

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with