^

Pang Movies

KMJS tuloy ang pagiging trending

Pang-masa
KMJS tuloy ang pagiging trending

MANILA, Philippines — Maganda nga ang pasok ng taong 2020 sa GMA Network dahil bukod sa ngayong taon ang selebrasyon ng 70th anniversary nito, muli rin nitong nasungkit ang pagiging number one sa nationwide TV ratings sa pagtatapos ng Enero.

Ayon sa latest data ng Nielsen para sa unang buwan ng taon (kung saan base sa overnight data ang January 26 hanggang 31), nag­hari ang GMA sa National Urban Television Audience Measurement o NUTAM matapos nitong magtala ng 34.7 percent average total day people audience share.

Resulta ito ng pagwawagi ng GMA sa lahat ng dayparts, lalo na sa afternoon block.

Higit namang tumaas pa ang kalamangan ng Kapuso Network pagdating sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 72 at 57 percent ng urban viewers sa bansa.

Sa Urban Luzon, naka-36.7 percent total day people audience share ang GMA na nagpatumba sa 29.1 percent ng kabilang istasyon.

Samantala, 37.1 percent naman ang nakuha ng GMA sa Mega Manila (with official data from January 1 to 25).

Patuloy rin ang pamamayagpag ng mga programa ng GMA partikular na ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Mula sa pagiging landslide winner nito noong 2019, KMJS pa rin ang number one show nationwide nitong Enero 2020.

Mas maraming Kapuso shows din ang pasok sa top-rating programs list ng Urban Luzon na naka-19 out of 30 habang 20 out of 30 naman sa Mega Manila.

Maliban sa KMJS, ang iba pang mga pinakakinagiliwan ng mga mano­nood noong Enero ay ang Magpakailanman, 24 Oras, Pepito Manaloto, Daig Kayo ng Lola Ko, Daddy’s Gurl, The Gift, Beautiful Justice, Amazing Earth, One of the Baes, Prima Donnas, Eat Bulaga, Kapuso Movie Night, 24 Oras Weekend, Magkaagaw, Wowowin, Bubble Gang, Madrasta, Tadhana at Imbestigador. 

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with