^

Pang Movies

Lotlot nagbanta kay Pilita Corrales

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lotlot nagbanta kay Pilita Corrales
Lotlot

Palaban sa ex-mother-in-law

Lumikha ng kontrobersiya ang guesting ni Pilita Corrales sa digital talkshow na Take It, Per Minute (Me Ganun) na napapanood sa Pilipino Star NGAYON Facebook page, last Tuesday.

Banat agad ni Tita Pilits, “Pinagalitan ko si Janine (Gutierrez) kahapon, Lolit. You’re wrong! You are wrong. When you are wrong, you’re wrong!

“Wala naman siyang ano. ‘Yes, Mita! Yes, Mita!’ You don’t do that. Yu don’t say that Who do you think you are?” bahagi ng pahayag ni Tita Pilita.

“May gusto sana akong sabihin sa kanya pero huwag na lang nasa TV tayo! Ha! Ha! Ha!” dagdag pa ng Asia’s Queen of Songs.

Hirit tuloy ni Eva Eugenio na isa rin sa guests, “Guest ba ako rito?”

Tinanong ni Cristy Fermin si kung ‘ano naman po ang masasabi niyo sa nanay ni Janine?’ (referring to Lotlot de Leon).

“Mainit!”

“Actually, Hindi naman kami like, I was telling you… But I… you know, I remember the time when they were separated. But it’s still here (pointing in her heart). When they say ‘hi!’ okay na sa akin, that’s enough.”

Ayon kay Tita Pilits ay wala na raw siyang galit kay Lotlot. Nagalit lang siya dahil iniwan nito ang mga anak dati at hindi hinayaang si Monching ang umalis.

Nabanggit din nitong si Monching ang nag-alaga ng mga anak nila ni Lotlot.

Obviously ay napanood ni Lotlot de Leon ang nasabing show dahil may post siya sa kanyang Facebook page pero walang tinutukoy na pangalan.

Heto ang unang post ni Lotlot sa FB:

“Mabuti na lang marunong akong rumespeto sa matanda!!! Pero minsan talaga mas may mga matanda na hindi karespe-respeto at walang pinagkatandaan!

“Minsan din ang mga sinungaling kawawa kase sa sobra nilang gusto na sila ang pakinggan kung anu-anong istorya ang sasabihin nila.

“I never said anything in the many years This might be the first!!! Don’t push me!!!”

Kasunod nito ang isang post na, “WHO DO YOU THINK YOU ARE???? Talaga???? Yan ang bitaw mo??!?!?! Ako kaya ang magsabi who I think you are!!!”

Dating asawa ni Lotlot si Ramon Christopher na anak ni Pilita.

Napag-usapan din nga pala sa nasabing episode ang ginawa ni Morisette Amon sa isang concert sa Music Museum na dapat ay guest siya.

Alden excited ma-challenge sa mga bata

Binalikan muli ni Alden Richards ang paghu-host sa bagong singing competition na Centerstage na magsisimula sa February 16.

“It’s something new for me, its going to be different, ‘yun po ang challenge sa akin dito, how to deal with kids, kung paano sila mag-isip, paano ko gagawing magaan ‘yung desisyon ng judge at mga tao,” saad ni Alden sa mediacon ng programa.

Si Betong Sumaya ang magiging co-host ni Alden habang ang tatlong judges ay sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at musical director Mel Villena.

vuukle comment

PILITA CORRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with