^

Pang Movies

Angel nakipag­sampalan kay LT

Vir Gonzales - Pang-masa
Angel nakipag­sampalan kay LT
LT, Angel

MANILA, Philippines — Nasaktan man sa pagsampal ni Lorna Tolentino ay gumanti rin ng sampal si Angel Aquino sa ilang nalalabing eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Maraming nakapansin na lalo pang guma­ling sa pag-arte si Angel. Kuwento nga niya na nakakalungkot daw isipin na malapit nang dumating ang oras na magkakahiwa-hiwalay sila. Ilang taon na rin kasi silang magkakasama sa naturang serye.

Samantala, maging ang tinaguriang na provincial superstar at dating mayor ng Caloocan na si Rey Malonzo ay nagpasiklab din sa mga eksena niya kasama si Coco Martin. Ang galing ni Rey dahil napagsabay niya ang awa at galit sa eksena sa naturang serye.

Connie laging natatanong sa mga ginagawa ni Vico

Napaka-elegant ng setting ng bagong GMA show na Love of My Life na tinatampukan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Balik-serye rin si Connie Reyes. Marami ang nanabik sa kanya dahil finally ay meron na ulit siyang serye. Napapanood lang kasi siya minsan kapag may interview tungkol sa anak na si Pasig Mayor Vico Sotto.

Virus ‘di ramdam sa Wowowin

Maraming humahanga sa Wowowin dancers na pulos black hair at walang nagpapanggap na Amerikana.

Kapag nanonood kami ng Wowo­win, animo’y walang pakialam ang mga tao sa kumakalat na novel coronavirus. Sayaw lang sila nang sayaw at kanta nang kanta.

Wala sa mga audience ang naka-face mask.

Happy Birthday…

Birthday greetings sa mga February born celebrities/personalities  na sina  Lloyd Samartino,  Ronnie Henares, Joed Serrano, Victor Wood, Letty Celi, Vinia Vivar, Nitz Miralles, Gerry Ocampo, Len Llanes, Marc Logan, Nilo Maligaya, Bernard Malonzo,  Lilibeth Rasonable and Ms. Malou Santos.

 

vuukle comment

ANGEL AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with