^

Pang Movies

Kate hindi pa nakakasubok magka-BF

Joe Barrameda - Pang-masa
Kate hindi pa nakakasubok magka-BF
Kate

MANILA, Philippines — Hindi pa rin makapaniwala si Kate Valdez na bida na siya ngayon sa isang serye ng GMA 7 na Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday kung saan kasama niya sina Barbie Forteza, Dina Bonnevie at Snooky Serna.

“Wow! As in wow! Hanggang ngayon po hindi ko pinapasok sa isip ko na bida ako, ganyan, hindi po. Hindi pa po nagsi-sink in sa utak ko. Pero for now, ang nararamdaman ko ay sobrang saya, grateful ako dahil makaka-work ko po ang mga veteran actor and actress natin, and of course, Ms. Barbie Forteza.

“Kaya sobrang saya ko po dahil binigyan po ako ng chance and opportunity ng network na magbigay ng life sa character ko na si Caitlyn dito sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday,” ani Kate.

Bukod kina Barbie, Dina at Snooky, makakasama rin nila sa nasabing serye sina Jay Manalo, Migo Adecer, Teresa Loyzaga, Jean Saburit, Tanya Montenegro, Benedict Cua, Faith da Silva, at Ms. Celia Rodriguez. 

Sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, napapanood ito pagkatapos ng 24 Oras. 

Nasa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday rin sina Lovi Poe as young Sussie at Max Collins as young Amy, Jason Abalos, Pinky Amador, Pekto Nacua, Yanna Asistio at Franco Gray Nerona.

At 19 years old ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Kate. Pero may nanliligaw sa kanyang artista na ayaw i-reveal ni Kate kung sino. Kapuso rin daw ang lalaki na kung ituring ni Kate ay ‘very close friend.’

Pinilit naming tanungin si Kate kung sino ang pinakamalapit niyang kaibigang lalaki sa GMA, at ang sagot niya “Bestfriend ko na siya since wala pa ko sa showbiz industry, si Kim de Leon.” 

Si Kim ang Ultimate Male Survivor ng season 7 ng Starstruck last year. Sa mga auditions at VTR daw sila naging magkaibigan noong pareho pa silang hindi artista. Proud daw si Kate sa achievement ni Kim sa Starstruck. Hindi rin daw nagbago ang friendship nila. 

vuukle comment

KATE VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with