^

Pang Movies

Carla aminadong kinuwestyon si Lord nang magkasakit!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carla aminadong kinuwestyon si Lord nang magkasakit!
Carla

Hindi inilihim ni Carla Abellana na natanong din niya si Lord nang malamang marami siyang sakit na sabay-sabay dumapo sa kanya. Mga sakit na walang gamot, o forever ang gamutan. “Pero sabi ko na lang sa Kanya, ‘Lord ginagawa ko na po ang lahat ng best ko para gumaling po ako, the rest Kayo na po ang bahala.’ Mahirap po siya.”

Pero sa mediacon ng Love of my Life, hindi mo iisiping may sakit si Carla, beauty pa rin siya at laging nakangiti. Hindi raw naman niya ididemanda ang doctor dahil na nagkamali ng diagnosis sa kanya, na may asthama siya, ipaaalam daw lamang niya para ‘di na maulit sa ibang pasyente ang nangyari sa kanya.

Ipinagpasalamat ni Carla na kapalit nito ay ang bagong project na sa pilot episode ay nagustuhan na ng mga nanonood. “Balik-drama naman po ako ngayon after four years na mga romantic comedy series ang ginawa ko.  At muli kaming nagtambal ni Tom (Rodriguez) kahit po special performance lamang ang role niya. Happy na for the first time, makakatrabaho ko si Ms. Coney Reyes at first time kong director si Don Michael Perez.”

Julie Anne love advicer si Christian

At 24, loveless pa rin si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, after ng naging relasyon nila ng dating boyfriend na si Benjamin Alves. Mas busy si Julie Anne sa paggawa ng mga kanta niya na umaani ng sunud-sunod na music awards, sa mga show niya, at pagpi-perform sa mga concert.

This Valentine season, muling maghahatid ng saya sina Julie Anne at ang Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, sa The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only) sa Sabado, February 8, sa Urdaneta City Cultural Sports Center. Makakasama rin nila sa concert sina Donita Nose at Super Tekla, with special guest Kyline Alcantara.

Bale third leg na ito ng concert nina Julie Anne at Christian, matapos ang una nilang sold-out shows sa Iloilo City at Cagayan de Oro City in 2019. 

Bilang isang bahagi ng 70th anniversary ce­lebration ng GMA Network, minabuti nilang after ng Visayas at Mindanao, sa Luzon naman magpasaya ng fans sina Julie Anne at Christian para sa pre-Valentine concert mula sa Kapuso Live series ng Kapuso network.

“Masarap na experience na mag-perform para sa mga Kapuso natin sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa abroad,” sabi ni Julie Anne. “This time gusto lamang naming pasayahin sila sa pamamagitan ng mga love songs, songs that inspire, kasi iyon ang gusto naming iparamdam sa audience.”

Medyo nagkabiruan sa mediacon ng concert nang biruin si Julie Anne na bakit hindi siya humingi ng love advice kay Christian dahil happily married na ang singer kay Kat Ramnani? Willing ba naman si Christian na payuhan si Julie Anne tungkol sa love?

“Oo naman at meron na, pero sa amin na lamang iyon ni Julie, I can keep secret naman,” nakangiti nitong sagot.

Ang The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only) will be directed by Paolo Valenciano.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with