^

Pang Movies

Ang Probinsyano malaki ang budget para sa Hollywood stars?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ano nga kaya ang sikreto ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at posible raw niyang makuha bilang guests ang Hollywood stars na sina Antonio Banderas at Penelope Cruz? Mukhang malaki-laki ang budget ng kanilang production para magawa ito. Pero may suhestiyon ang iba, mas maganda raw kung local artists pa rin ang gawin nilang guests, mas kilala pa ng iba, mas makakatipid pa sila.

Matteo at Sarah pinagdadamot ang kasal sa fans

Hindi pa man sigurado, pero may usap-usapan nang sa Italy daw magpapakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Sabagay, mas private nga naman doon dahil mga kamag-anak lang naman ng both sides ng dalawa ang kasama nila sa seremonyas, pero umaangal ang kanilang fans. Papaano naman daw sila na gusto ring masaksihan ang pag-iisang dibdib ng kanilang idolo. Mahal pa naman ng masa si Sarah, pero mismong kasal nito ay hindi nila makikita.

Nauna nang nabalita na hindi pupunta ang pamilya ni Sarah sa nasabing kasal. Bakit nga kaya? Sana hindi ito totoo, dahil nakakalungkot pag nagkataon.

Jo Berry totoong nakatulog sa coma scene

Nakakaaliw ang nangyari kay Jo Berry sa set ng The Gift ni Alden Richards. May eksena raw itong na-comatose siya, at sa haba ng itinakbo ng eksenang iyon, totoo raw na nakatulog si Jo sa hospital bed. Ginising lang daw siya nina Alden at Elizabeth Oropesa.

Samantala, nalalapit na ang pagtatapo ng nasabing serye.

Marissa at Eric magpapakilig sa Valentine

Sa ika-14 ng February, magkakaroon ng concert show sina Marissa Sanchez at Eric Nicolas sa isang bar sa Sucat, Muntinlupa, ito ay ang My Fatty Valentine.   

Sa ika-16 naman ng February ay handang-handa na ang grand reunion ng BJC batch 58 na gaganapin sa Immaculate Concepcion School sa R. Chico St., Baliwag, Bulacan.

Bawat member ng naturang reunion ay magdadala ng pagkain para mapagsalu-saluhan. Magkakaroon din ng pa-raffle.

Ang mga punong abala rito ay sina Tomasito Silva, Olivia Francisco Dela Vega, Olivia Rustia at si Alejandro Andy Cruz.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with