^

Pang Movies

Anne pinagtitripan si Erwan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anne pinagtitripan si Erwan!

Dahil naghihintay na lang ng due date sa pagsilang ng kanyang baby si Anne Curtis sa Australia, wala itong masyadong ginagawa kaya nakikisali na lang ito sa mga YouTube video ng kanyang mister na si Erwan Heussaff.

Sa latest video post ni Anne sa Instagram, kinuwento niya ang pangungulit niya kay Erwan na gawan siya ng paborito niyang kainin sa umaga.

Makikita na masayang-masaya si Anne habang ginugulo niya ang mister niya sa pag­luto nito. Pinipilit pa niyang mag-Tagalog si Erwan pero hirap itong magsalita in Tagalog. Kaya walang ginawa si Anne sa video kung hindi tumawa nang tumawa.

Napansin din ni Anne na nag-iba raw ang boses at tawa niya simula noong mabuntis siya.

Ito ang nilagay na caption ni Anne sa IG video: “Video is up! So so weird how my voice and laugh has changed since I got pregnant. Parang ang laki tuloy ng boses ko .

“It’s the first time for me to join my husband in one of his actual cooking videos because in this vid he makes one of my constant morning cravings during my pregnancy, TOAST!!! You’ll see how I make him kulit and how I can make him awkward uuuuuuy @erwan .

“P.S - Hindi ko alam ha, pero iba ang tawa ko talaga pag preggers. Basta iba ung saya and sarap as in sarap ng laughter. I can’t explain. Maybe it’s a preggy thing? Mommies, whatchoothink?? Or maybe it’s also because I’m with the person who can make me THAT happy uyyyy again!  Ok. Enough na. Watch it on Erwan’s YouTube page, you can click on the link in my bio.

“Hope you enjoy some of my fave toasts!!”

Johnny Depp bumuwelta na sa bintang na pananakit ng dating asawa

Inamin ng model-turned-actress Amber Heard na sinaktan din niya ang ex-husband niyang si Johnny Depp.

Nilabas ng aktor ang isang leaked audio recording ni Amber na ito ang nagsisimula ng away. Dahil dito ay nag-trend ang hashtag na #JusticeForJohnnyDepp via Twitter bilang suporta ng kanyang fans.

Kung matatandaan ay nagsampa ng domestic abuse case si Amber laban kay Depp noong 2016. Nagpakita pa ng photos si Amber ng kanyang pasaan at duguan na mukha at mga scar sa kanyang braso.

Dahil dito ay nasira ang career ni Depp sa Hollywood. Nawalan siya ng malalaking projects at inalis na ang pangalan niya sa Pirates of the Caribbean film franchise ng Disney.

Nagsampa ng $50 million lawsuit si Depp laban sa ex-wife dahil sa paninira nito sa kanya noong nagpo-promote ito ng pelikulang Aquaman last year.

Sa audio clip, maririnig si Depp na dine-deny ang pananakit niya kay Amber: “It’s not true. It’s not true. I’m not the one who throws pots and whatever the f***ing else at me.”

May sagot naman si Amber na: “I’m sorry that I didn’t, uh, uh, hit you across the face in a proper slap, but I was hitting you, it was not punching you. Babe, you’re not punched. I don’t know what the motion of my actual hand was, but you’re fine, I did not hurt you, I did not punch you, I was hitting you. You are such a baby. Grow the f**k up Johnny.”

Nag-submit din si Depp ng photos kung saan may malaking pasa siya sa mukha dahil sa ginawang pananakit ni Amber sa kanya.

Pinakita rin niya ang isang daliri niyang nahiwa dahil sa bote na hinagis sa kanya ni Amber na tumama sa marble countertop at tinamaan ng malaking bubog ang isang daliri niya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with