^

Pang Movies

Carla ipinaglalaban na protektahan ang mga hayop sa Taal

Gorgy Rula - Pang-masa
Carla ipinaglalaban na protektahan ang mga hayop sa Taal
Carla

MANILA, Philippines — Seryoso si Carla Abellana sa pagtulong na maisalba ang mga hayop na na-trap sa Taal.

Nung nagkaroon siya ng libreng araw na walang taping sa bagong drama series niyang Love of My Life, sumama siya sa grupo ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society para tumulong na pakainin at ma-evacuate din ang mga hayop na hindi pa naialis sa danger zone ng Taal.

Ani Carla; “We also went to the temporary shelter ng domesticated animals sa Lipa po. Isa po yun sa mga temporary shelters for the evacuated animals. Nagpakain po kami dun, napainom po namin sila, pinagamot namin sila.

“And we had a meeting po ng provincial Vet ng Batangas po after.”

Noon pa man ay isa si Carla sa nakikipaglaban na sana magkaroon din daw ng batas ang ating gobyerno para sa proteksyon ng mga hayop na dumaan sa ganitong sakuna.

“Isa po yan sa matagal na nilalaban po ng animal welfare na magkaroon po ng protocol for animals also.

“Siyempre, source of livelihood po yan ng karamihan, lalo na po yung horses, mga kalabaw, cattle, pigs, ducks, chickens. Source of livelihood po sila ng karamihan, so sana hindi po sila kalimutan.

“Sana magkaroon po ang government ng protocol  for animals naman po. Para we can rescue and evacuate as much animals as possible, para hindi rin po mawalan ng livelihoond ang mga tao po,” saad ni Carla sa nakaraang mediacon ng Love of My Life na magsisimula na ngayong gabi pagkatapos ng The Gift.

Magikland tinatapos pa ang ibang rides

Nagkaroon kami ng pagkakataong madalaw ang Magikland na ipinatayo ng

dating Congressman ng Negros Occidental na si Cong. Albee Benitez.

Sa Silay sa  Negros Occidental ito matatagpuan, na 15 minutes lang ang layo sa airport ng Bacolod.

Nagkaroon lang ito ng soft opening nung nakaraang October 2019 at wala pa ang grand opening dahil tinatapos pa ang ibang rides at ilan pang attractions sa naturang theme park.

Nakakatuwa na meron ng ganitong puntahan ang mga taga-Negros at pati na ring malalapit na bayan.

Kasabay nito ay prinodyus na rin ni Cong. Albee under his Brighlight Productions ang isang fantasy action movie na kung saan doon mapapanood ang mga kilalang folklore character ng Negros na nakita na namin doon sa theme park niyang Magikland. 

Pagdating sa pelikula, mga batang artista ang bida rito na gagampanan naman nina Miggs Cuaderno bilang si Boy Bakunawa, Si Elijah Alejo ng Prima Donnas naman si Mara Marapara, si Princess Aliyah Rabara ng The Voice Kids ang gumaganap na si Kit Kanlaon, at ang batang dancer na si Joshua Eugenio naman ang gumaganap na si Pat Patag.

Mga batang artista ang gumaganap, na hindi sila ganun kakilala, madadala naman daw ito sa ganda ng pelikula.

Pero may special participation ng mga kilalang veteran stars gaya nina Cheire Gil, Rowell Santiago, Jacklyn Jose, Jackie-lou Blanco, Agot Isidro, Maricel Laxa at marami pa.

Nasa post production na itong Magikland na dinirek ni direk Peque Gallaga. Pero matagal-tagal talaga ang proseso dahil heavy ang CGI dito Computer-Generated Imagery.

Ipinagmamalaki ni Cong. Albee na kaya ng mga Pinoy artists ang computer graphics basta kumpleto lang tayo sa gamit.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with