^

Pang Movies

Pangangantyaw ni Willie sa kalinisan ni Kris ayaw tantanan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pangangantyaw ni Willie sa kalinisan ni Kris ayaw tantanan!

Ang daming naaliw sa video na ipinost ni Kris Aquino kung saan ay magkausap sila ni Willie Revillame. Bigla kasing sinabi ng TV host/comedian kay Tetay na “pag ako naging asawa’t boyfriend mo, hindi puwedeng madumi, gusto ko, ayos lahat.”

Sagot naman ni Kris, “hindi rin kami madumi, please. Naka-Rainbow vacuum kami at naka-Dyson. Huwag mo kaming apihin. Kaloka ka, inaapi mo kami. Malinis kami.”

Bahagi ng caption ni Kris sa video, “listen to our conversation, hindi sinasadya pero parang pinaghalong sitcom na reality show kami ni willie. Good night & pleasant dreams to all of you.”

Naaliw naman ang netizens at pati si Mariel Padilla ay nag-react ng “hahahaha.”

May isang netizen na ikinumpara si Willie sa last boyfriend ni Kris na si Quezon City ex-Mayor Herbert Bautista at aniya, much better daw si Kuya Wil kaysa kay Bistek na hindi siya kayang panindigan.

Sinagot naman ito ni Kris nang bonggang bongga.

“Wag na tayo mandamay ng mga taong nakaburol na ang alaala, okay? Willie & i can joke w/ each other the way we do because we know we’re friends & he knows my sons both like & respect him because he’s been kind to us simply because he’s our friend- so let’s not mess that up,” sagot ni Kris.

Pero ang dami pa rin talagang komento na ipinagpapareha talaga sina Kris and Willie. Anila ay bagay daw ang dalawa at sana ay sila na lang.

Rocco pinagawan na ng kuwarto ang mga magiging anak!

Ang bongga naman ni Rocco Nacino dahil nagpapagawa na siya ng sariling bahay ngayon and in fact, malapit nang matapos. Aniya nang makachikahan namin sa presscon ng Descen­dants of the Sun, mga 2-3 months na lang daw at matatapos na dahil nasa interior na raw sila.

Ayon kay Rocco ay ito na raw ang dream house niya at dito na niya ititira ang kanyang mapapangasawa. As we all know ay may girlfriend ang aktor, ang volleyball player na si Melissa Gohing at two years na ang kanilang relasyon.

At bilang 32 years old na rin siya, natatanong na rin siya kung kaylan siya lalagay sa tahimik.

“Concentrate muna ko rito (sa DOTS). Mukhang mahaba-haba ang takbo ng show na ito. And we have to finish the house also. Doble raw ang gastos pag interior na,” natatawa niyang sabi.

At pag-amin nga niya, pinagawan na raw niya ng dalawang kwarto ang kanyang magiging anak in the future.

“May nakaalay nang 2 kwarto for the future anak. Kapag dumating na ru’n. Hindi ko rin alam kung ilan. Pero nag-allot na ako ng 2 kung sakali. Kung marami, mag-share na sila ru’n, bahala sila,” natatawa niyang sabi.

At alam na niya kung sino ang ititira niya?

“I mean, hindi naman ako malungkot sa buhay ko ngayon. If it goes there, it goes there. Pero maganda, stable ang lahat, tinatapos ko lahat ng kailangan kong tapusin.

“Sabi ko sa kanya, ‘gawin mo rin ang lahat ng gusto mong gawin, if you wanna play how many years, gawin mo.’ Para no regrets, ‘di ba?” sey pa ni Rocco.

Samantala, si Rocco ang gumaganap na Diego Ramos or Wolf sa Pinoy adaptation ng DOTS kasama nina Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes at Jasmine Curtis Smith na siyang kapareha niya.

Sila nina Paul Salas, Lucho Ayala, Prince Clemente and Jon Lucas ang bumubuo ng Alpha Team headed by Capt. Lucas Manalo (Dingdong).

Magsisimula na sa Feb. 10 ang DOTS Ph sa GMA Te­lebabad.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with