^

Pang Movies

Jennylyn at current GF ni Mark hindi nagkailangan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Wala raw naging awkward moment ang present at past girlfriend ni Mark Herras na sina Nicole Donesa at Jennylyn Mercado na magkasama sa ina­abangan na primetime teleserye ng GMA-7 na Descendants Of The Sun.

Naikuwento nga ni Nicole na marami raw siyang eksena na magkasama sila ni Jennylyn dahil siya ang nurse na nag-a-assist kay Dr. Maxine dela Cruz a.k.a. Beauty.“Jennylyn is such a nice person to work with. Napakagaan at masayang kasama sa set. I love working with her sa show na ito at sana in the next projects na gagawin ko, gusto kong makasama ulit si Jen,” ngiti pa niya.

Alam daw ni Jen na siya ang current girlfriend ni Mark. Inakala ni Nicole na magkakailangan sila ni Jen, pero wala raw siyang naramdaman na awkward moment with her.“Akala ko lang noon na magkakaroon ng gano’n since she’s an ex-girlfriend of Mark. Pero wala pong gano’n because Jen is so accomodating at never naming napag-usapan si Mark.

“As in, kahit in passing, wala po talaga, kaya naging magaan sa aming dalawa. Okey lang naman po sa akin if we talk about Mark, pero kita ko naman kay Jen na she has moved on at magkaibigan sila ni Mark,” diin pa niya.

On Mark naman, marami raw nadidiskubre si Nicole sa aktor. Isa na rito ay ang pagiging matulungin nito sa ibang tao. “People perceive Mark differently because of his image. Pero ang hindi nila alam is that Mark is a generous person lalo na pagdating pagtulong sa ibang tao.

“Nagugulat na lang ako minsan na may inaabutan siyang tulong sa ganitong tao. Like, ‘Wow, hindi ko alam na ganito pala si Mark.”

Cherie naging abala sa ‘rebelde class’

Pagkatapos ng magkakasunod na trabaho, nagkaroon na ng panahon si Ms. Cherie Gil na lumipad for New York para bisitahin ang kanyang mga anak na sina Bianca at Raphael Rogoff na parehong naka-base sa New York City.

Pinost ni Cherie ang selfie kasama ang kanyang son na si Rafael habang namamasyal sila sa NYC. Raphael is taking up Global Liberal Studies Concentrating on Ethics, Politics and Religion sa New York University (NYU). Ga-graduate na nga this year ang anak ni Cherie.

Ang panganay naman ni Cherie na si Bianca Rogoff ay nakapagtapos na rin sa NYU at sinundan ang kanyang yapak bilang isang film actress.

Nag-attend nga si Cherie ng premier ng first feature film nito titled Sensitive and In Love.

Si Cherie naman ay naging abala sa kanyang master acting class na kung tawagin niya ay Rebelde Class. Marami na siyang na-inspire na mga kabataan na gustong pasukin ang pag-arte at paggawa ng pelikula. Great feeling daw ang ma-share niya ang mga naging experiences niya as an actress.

Vanessa Bryant laging umiiyak

Wasak na wasak ang puso ng biyuda ni Kobe Bryant na si Vanessa Bryant dahil dalawang mahal niya sa buhay ang nawala sa isang araw. Ang mister niyang si Kobe at ang pangalawang anak nila na si Gianna.

Ayon sa New York Post: “Vanessa is struggling to keep it together and she can’t finish a sentence without crying.”

Napapaligiran naman si Vanessa ng kanyang family members at mga kaibigan.

Report ng People Magazine: “Vanessa is surrounded by a good support system. Despite their ups and downs, the couple were soulmates. She thought of him as her partner for life.”

Ayon sa Entertainment Tonight, noong unang makarating kay Vanessa ang balitang nag-crash ang sinasakyan na chopper nila Kobe at Gianna sa hills ng Calabasas, California due to a weather condition, “she is almost numb to everything and that she never expected to live a life without Kobe.”

Nitong January 31, binasag ni Vanessa ang kanyang katahimikan at nag-post ito ng mahabang mensahe sa Instagram. Nilabas niya ang kanyang naramdaman na kalungkutan sa pagkawala ni Kobe at ng anak nilang si Gianna.

Vanessa was only 17-years old noong nakilala niya si Kobe, who was already 20. Kinasal sila noong 2001.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with