^

Pang Movies

Aktor at anak na matagal nagkasamaan ng loob, nagkaayos na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Masaya kami para sa kakilala naming aktor dahil mukhang naa­yos na ang problema nila ng isa sa kanyang mga anak. Sa isang importanteng okasyon sa buhay ng anak ng aktor, kapansin-pansin na absent palagi ito at ang kuwento, may tampuhan daw ito at ang kanyang anak, kaya minabuti nang hindi pumunta.

Ang estranged wife lang ng aktor at ang iba nilang mga anak at ibang family members ang present sa importanteng okasyon sa buhay ng anak ng aktor at ng kanyang asawa. Hindi kasama ang aktor sa mga litrato na ipinagtaka ng tao, pero ang mga nakakaalam kung bakit, hindi na nagulat.

Bilang respeto sa aktor at sa estranged wife na rin nito, walang nagtanong sa aktor sa absence niya sa importanteng okasyon sa buhay ng kanyang anak. Nang magbakasyon ang aktor, sa ibang bansa, ang ibang anak lang nito ang kasama, wala ang anak na sinasabing kanyang nakatampuhan.

Kaya laking tuwa ng mga nakakita sa latest photos na ini-upload ng aktor sa kanyang social media at kuha sa bakasyon nilang mag-anak. Kompleto ang mga anak ng aktor pati ang anak na may isyu siya, ibig sabihin, nagkaayos na ang mag-ama at i-expect natin na sa mga susunod pang bakasyon ng aktor at sa mga darating pang special occasion sa buhay ng anak na nakatampuhan, present na ang aktor.

Jake at Kylie live in o magkapit-bahay lang?

Ang caption ng real estate agent ay “So happy for @kylieverzosa & @juancarloscuenca it’s been so much fun finding you guys your next home.”

Ang dating nito sa mga nakabasa, matagal ng nagli-live-in ang dalawa at nagpahanap ng bago nilang bahay. Sabagay, nasa right age na sila at alam na nila  kung makakatulong sa kanilang relasyon ang sila’y mag-live in muna bago magpakasal.

May mga hindi kasi pabor sa pagli-live in nina Jake at Kylie na para bang may magagawa ang pagkontra nila, eh ‘yun ngang pamilya ng dalawa, walang sinasabi.

Nauna nang sinabi ni Jake sa interview ni tito Boy Abunda na hindi naman sila nagli-live in. Mag-neighbor lang daw sila sa BGC ng girlfriend na beauty queen at ayon kay Jake bumili siya ng unit doon para nga lagi silang nagkikita at nagkakasama.

Unless tinanggalan nila ng wall ang pareho nilang unit para magkasama na sila.

Tom ayaw magpadala sa sulsol ni Mikael

Sa interview kay Mikael Daez sa mediacon ng Love of My Life, nakuwento nito na sinabihan niya sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na magpakasal na. Naniniwala si Mikael na kaya na ng dalawa ang magpakasal.

Maganda ang sagot nina Tom at Carla nang matanong sa isyung pagpapakasal. Sagot ni Tom, “In our own time, own pace, own style” na ang ibig sabihin, hindi sila nagpapadala sa pambubuyo ni Mikael at ang pampi-pressure ng kanilang fans.

Hindi nga naman maganda na dahil lang sa nagpakasal na sina Mikael at Megan, susunod na sila, paano kung hindi pa sila handa financially? “Lahat sa tamang panahon, ang importante nahanap namin ang isa’t isa,” dagdag ni Tom.

Anyway, sa Monday na, February 3, ang pilot ng Love of My Life sa direction ni Don Michael Perez.

Jon overwhelmed sa Descendants…

Overwhelmed si Jon Lucas sa laki ng proyektong Descendants of the Sun, sa production at sa big stars na kasama niya na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Si Dingdong ay napapanood lang niya dati at nakasama sa TVC ng Goldilocks when he was 15, kaya sobra ang tuwa nito na sa first teleserye niya sa GMA-7, makakasama ang idolo niya.

Na-starstruck din siya kay Jennylyn nang unang makita dahil kahit pareho sila ng manager na si Becky Aguila, hindi naman sila nagkikita.

Ngayon, hindi na lang kasama ni Jon sa Kapuso network sina Dingdong at Jennylyn, katrabaho pa.

Masaya ang puso ni Jon sa break na ibinigay sa kanya ng GMA-7 at lalo raw siyang sumaya nang mapanood ang pilot episode na maganda at hindi kailangang i-miss kapag umere na sa February 10.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with