^

Pang Movies

Mark trabaho na agad pagkalibing sa ama

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mark trabaho na agad pagkalibing sa ama
Mark

Kahapon lamang nakabalik ng Manila ga­ling Cagayan de Oro si Mark Bautista para sa rehearsals ng kanilang 1 for 3 concert kasama sina Christian Bautista at Aicelle Santos na gaganapin sa The Theatre at Solaire on Saturday, February 1 at 8 p.m. Ito’y nakatakdang idirek ni Paolo Valenciano with Mel Villena as musical director.

Sumakabilang-buhay ang ama ni Mark na si Leon Darny Bautista nung nakaraang January 23 sa edad na 62. Naihatid naman ito sa kanyang huling hantungan nung Martes, January 28 sa kanilang hometown in Cagayan de Oro.

Sa kabila ng maagang pagkawala ng kanyang ama, kailangang maging matatag ni Mark for his family lalung-lalo na sa kanyang inang si Susan.

Kahit nasa gitna pa si Mark ng pagluluksa sa paglisan ng ama, kailangan din niyang ipakita  at gampanan ang kanyang pagiging professional pagdating sa kanyang trabaho.

Balik din si Mark sa All-Out Sundays sa darating na Linggo, February 2.

Ruru at Kyline guests sa concert ng isang K-Pop artist!

Excited ang Japan-based Korean singer-dancer na si Jang Hogyo sa kanyang kauna-unahang concert sa Pilipinas na gaganapin sa Music Museum on February 20 (Thursday) sa ganap na ika-8 ng gabi. Ito’y pinamagatang Jang Hogyo Live! na nakatakdang idirek naman ni Andrew de Real.

Makakasama ni Hogyo bilang special guest performers ang dalawang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kyline Alcantara at ang Sexbomb Dancers.

Four times nang nakarating ng Pilipinas si Jang at nagustuhan niya rito dahil sa pagiging warm and friendly ng mga Pinoy lalo na ang kanyang fans.

Bela umaapaw ang ginagawa!

Isa si Bela Padilla sa mga busiest actresses sa kasalukuyan with five movies na nakatakda  niyang tapusin sa taong ito under her home studio, ang Viva Films.

Showing na sa darating na Ferbuary 3 ang reunion movie nila ni JC Santos, ang On Vodka, Beers and Regrets mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor na siya ring nagdirek hit movies na Sid & Aya (Not A Love Story) nina Anne Curtis at Dingdong Dantes, maging ng mga pelikulang Camp Sawi at Meet Me In St. Gallen.

May follow-up project din sila ni JC ng 100 Tula 2... na muling pamamahalaan ni Jason Paul Laxamana. Nariyan din ang Spellbound movie nila ni Marco Gumabao na ang ilang eksena ay kinunan pa sa Seoul, Korea.

Magkasama naman sila ni Alessandra de Rossi sa pelikulang The Wedding Breaker maging ang Ultimate Oppa na pagtatambalan nila ng Korean actor na si Kim Gun-Woo.

Bukod sa pagiging magaling na aktres at pagiging professional sa kanyang trabaho, si Bela ay isa ring mahusay na screenwriter.

Umaasa rin si Bela na maisasakatuparan this year ang plano niyang pagdidirek ng pelikula under Star Cinema na siya rin mismo ang susulat ng istorya.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with