^

Pang Movies

Carla naghihintay na sa proposal ni Tom

Joe Barrameda - Pang-masa
Carla naghihintay na sa proposal ni Tom
Carla, Tom

MANILA, Philippines — After a long time ay balik teleserye na uli si Carla Abellana sa Love Of My Life. Hindi naman lubos na naging vacant si Carla dahil may guestings din naman siya sa iba’t ibang programa ng Kapuso Network.

Nagkasakit pala si Carla at malaki-laki rin ang kanyang nagastos sa pagpapagamot, na sa unang diagnosis pala ay nagkamali ang doctor na tumingin sa kanya. Ganunpaman, hindi na raw nila inireklamo pa ito, pero ipinaalam daw nila na mali ang diagnosis nito. Naayos daw naman ang treatment niya sa kanyang pangalawang doctor.

Samantala, matagal na rin ang relasyon nila ng aktor na si Tom Rodriguez pero wala pa rin tayong nababalitaang may balak na silang magpakasal.

Kung si Carla naman daw ang tatanungin ay parang gusto na rin niya, eh ang kaso, hindi pa raw nagpo-propose sa kanya si Tom.

Alangan nga namang siya raw ang mag-propose? Binibiro nga siya ni Tom habang nakikinig ito sa interview kay Carla. Napaka-sweet ng dalawa.

Si Tom naman ay nakaranas ng depresyon nang mamatay ang ama, tapos sinundan pa ito ng pagkakasakit ng brother-in-law niya na may maliliit pang anak.

Mabuti na lang daw at nalagpasan ng bayaw ang malubhang sakit at ngayon ay maayos na.

Mabuti na lang daw at nasa tabi niya palagi si Carla na umaalalay at nagbibigay inspirasyon sa kanya sa mga oras ng pinagdadaanan niya.

Jak nag-rate sa pagiging beki!

First time kong napanood si Jak Roberto sa isang gay role. Winner na winner!

Win sa ratings ang Magpakailanman episode noong Sabado kung saan tampok siya kasama sina Dave Bornea, Raphael Robes at Mela Habijin bilang Fishergays.

Kinagiliwan ng televiewers ang kanilang episode at base sa NUTAM ­ratings, nakapagtala ito ng 11.5%.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with