^

Pang Movies

Kim mas wais na pagdating sa pag-ibig

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim mas wais na pagdating sa pag-ibig
Kim

Aminado si Kim Chiu na matatag na siya ngayon bilang babae especially when it comes to love kumpara noong nagsisimula pa lang siya. Aniya ay nasaksihan naman daw ng mga tao ang kanyang mga dinanas sa pagdaraan ng mga taon at aminado siyang marami siyang natutunan along the way.

“I’m very proud sa kung saan ako nakatungtong ngayon dahil naging strong, naging mas independent at mas in control ako sa feelings ko,” ani Kim.

Kung dati raw ay wala siyang confidence sa sarili at feeling niya ay hindi niya kayang mag-isa, hindi na raw ganoon ngayon.

“Parang hinanda ako as years passed by, so parang nagsimula ako sa mababa, sa wala akong confidence hanggang sa naging strong. Parang kaya ko naman pala pag ako mag-isa. Masaya naman pala. Hindi naman masamang maging ikaw lang at ikaw ang happiness mo. Pero mas masaya kapag may ka-share ka ng happiness,” sey pa niya.

Well, as we all know ay going strong ang relasyon nila ni Xian Lim at masaya raw siya sa kanilang relasyon.

“So I am very happy and gusto ko ‘yung kinakausap ako. Kasi, ako, madaldal ako. Shock absorber ko siya.”

Gusto rin daw niya ng space paminsan-minsan at ayaw din daw niya ng clingy guy.

“Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba para alam mo kung ano ang ibig sabihin ng love and self-respect and respect for another,” sey pa ni Chinita Princess.

Marcelito kabado sa susunod na laban sa AGT!

Matapos ang standing ovation performance at makapasok sa semi-finals ng America’s Got Talent: The Champions ay narito ngayon sa Pilipinas si Marcelito Pomoy para paghandaan ang susunod na pagsabak sa nasabing singing competition sa Amerika.

Isa nga sa mga unang-unang showbiz functions na dinaluhan ni Marcelito sa Pinas ay ang thanksgiving party ng MacBeth footwear and apparel na ginanap last Thursday night kung saan ay nakausap din siya ng invited press.

Ibinalita nga niyang umuwi lang siya sandali ng bansa pero babalik siya agad sa Amerika by the the end of this month para nga sumabak sa semi-finals ng AGT sa Pebrero.

Aminado si Marcelito na sobrang kabado niya ngayon lalo pa nga’t hindi basta-basta ang mga kalaban niya na pawang mga champions lahat ng iba’t ibang singing competition ng kanilang bansa.

Si Marcelito ang grand champion ng Season 2 ng Pilipinas Got Talent in 2011 at sey nga niya, mas matindi raw ang kumpetisyon ngayon dito sa AGT: The Champions kaysa sa PGT.

Samantala, star-studded ang MacBeth thanksgiving party dahil bukod kay Marcelito ay dumalo rin sina Randy Santiago, Alvin Patrimonio, mag-amang Benjie at Andre Paras, Bayani Agbayani, Marc Pingris, Kim de Leon, Jeremiah Tiangco, Anthony Rosaldo, among others.

Namataan din namin ang bandang Chocolate Factory na isa sa mga brand Ambassadors ng MacBeth.

Nakausap nga namin ang marketing head ng MacBeth na si Rhome Yu and informed us na pang-7th year na raw ng MacBeth sa Pilipinas. Nag-start daw kasi sa US ang brand na ito at musicians daw ang founder nito kaya more on musicians ang kanilang endorsers.

“Lahat ng marketing namin is really focused on the music scene and the arts scene,” pahayag ni Rhome.

Sa ngayon ay may 130 department store outlets na ang MacBeth at 13 boutique. Ngayong 2020 ay plano raw nilang mag-expand nationwide starting off with a boutique in General Santos and 50 more outlets sa mga malls sa iba’t ibang lugar.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with